Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iwas pa rin sa biyahe

0 201

Labindalawang ruta na ng provincial bus na mayroong biyahe sa Metro Manila ang pinayagan nang makabalik sa pamamasada makaraang pumayag daw ang mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan ng mga ito.

Ang mga may biyahe na ay ang mga sumusunod; 1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City; 2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)

3. Lemery, Batangas – PITx; 4. Lipa City, Batangas – PITx; 5. Nasugbu, Batangas – PITx;6. Indang, Cavite – PITx;7. Mendez, Cavite – PITx;8. Tagaytay City, Cavite – PITx; 9. Ternate, Cavite – PITx; 10. Calamba City, Laguna – PITx; 11. Siniloan, Laguna – PITx at 12. Sta. Cruz, Laguna – PITx

Kung titingnan, kahit paano ay magkakaroon na ng pagkakataon ang mga matagal nang inip sa bahay na kahit paano ay makagala para makasagap ng sariwang hangin sa bandang Batangas, Cavite at Laguna at makasipat ng parol para sa Pasko sa San Fernando, Pampanga.

Pero hindi po ito ganoon kadali lamang kung tanging pakay ng mga sasakay ay gala o stroll dahil sa daming proseso na kailangang pagdaanan.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang-una booking system na po ang paiiralin sa pagbili ng tiket kaya parang sistemang eroplano at barko na hindi ka makasasakay ng ura-urada.

Dalawang araw daw po bago ang pagsakay sa bus ay kailangang makakuha ng tiket ang isang pasahero at kailangan ding tiyakin na ligtas sa COVID ang sasakay sa pamamagitan ng pagdadala ng mga kaukulang dokumento.

Bukod dito ay napakarami rin pong bawal gawin habang ang pasahero ay lulan ng mga bus sa ilalim ng mga rutang pinayagan gaya ng pagkain, pag-inom at paggamit ng mobile fones pati na rin ang pakikipag usap sa ibang kasakay.

Kaya kung ang nasa isip niyo ay gumala lamang, dapat sigurong kalimutan na muna ito at manatiling nasa loob na lamang ng bahay o kung saan mang kinaroroonan para maiwasang mahawa ng COVID-19.

Konti na lang po ang ating titiisin at isipin na lang din na kung nakatagal tayo ng anim na buwan ay ano ba naman na dagdagan pa natin ng kapiraso.

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.