Abante Tonite Interactive

Iwas puyat

0 233

Hirap ka bang makatulog? Naging biro na ang kasabihang ‘magbilang ka ng bituin hanggang sa antukin’.

May tips ang ilang medical experts sa mga may problema sa pagtulog.

Importanteng matulog sa itinakdang oras gabi-gabi. Walong oras ang regular sleeping hours bawat araw.

Importante rin daw na may regular exercise at mag-maintain ng proper diet.

Sa mga manginginom, iwasang magla­ngo sa alak. Ayon sa ilang medical experts, nakakatulog ang taong lasing pero hindi naman ito quality sleep.

Bukod sa alak, iwasan ding magkape bago matulog. Imbes antukin, mas lalo kang magiging hyper.

Drink hot milk or tea. Uminom ng maligamgam na gatas o kaya’t chamomile tea. It will keep you warm. Mabilis ka ring makakatulog.

Huwag mag-uuwi ng trabaho para iwas puyat. Hangga’t maaari, huwag ding mag-isip nang kung ano-ano sa gabi para makapahinga nang maaga.

Huwag mag-schedule ng early meeting. Karaniwan kasing pinupuyat mo ang sarili mo sa trabaho kapag may maagang meet-up ka the next day.

Mainam din kung may iniinom kang vitamins para mas maging mahimbing ang iyong tulog.

Have a comfortable bedroom. Importante na malambot ang iyong higaan para komportable ang tulog. Patayin din ang ilaw kung mas makatutulong ito sa mabilis mong pag-idlip. Kung kaya ng budge­t, mag-install nang aircon sa kuwarto.

Para sa iba, mas mabilis silang maka­tulog nang may co­ver ang mga mata at tenga.

Ang sa akin lang, pray before going to sleep. Mahalagang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natatanggap. Ipanalanging maging mahimbing ang iyong tulog para good mood ka paggising.