Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iwas scam! Mga delivery rider protektado na

0 134

Mapoprotektahan na ang mga delivery rider at driver mula sa paglabas ng sariling pera para bayaran ang mga kanseladong booking o hoax-orders.

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 2302, o mas kilala sa tawag na An Act Providing Measures to Protect Individuals Engaged in Food, Grocery and Pharmacy Delivery Services.

Layunin din ng panukala na maprotektahan ang general public mula sa fake delivery bookings dahil gagawin na itong criminal act.

SM food to go Banner Ad

Ang mga author Senate ng Bill No. 2302 ay sina Sen. Lito Lapid, Koko Pimentel III, Joel Villanueva at Majori­ty Leader Migz Zubiri.

Sabi ni Pimentel, sponsor ng panukala, nakakaalarma ang mga insidente ng fake booking at hoax-order lalo na’t karamihan sa mga tao ngayon ay nagre-rely sa online bookings para makabili ng pagkain, groceries at gamot sa panahon ng pandemya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.