Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iyakin si Alex – Toni

0 82

NI: ARCHIE LIAO

Kung titingnan mo, aakalain mong matapang at may pagkasupladita itong si Alex Gonzaga, pero sa totoong buhay, iyakin daw ito, ayon na rin sa pambubuking ng kanyang ateng si Toni Gonzaga sa kanyang vlog.

Hirit pa niya, bagamat napagkakamalang galawgaw, isang malalim na tao raw na punong-puno ng sensibilidad ang kanyang nakababatang kapatid.

“Iyakin si Alex. Maingay, magulo ang makulit lang yan sa labas. Pero mabilis siya umiyak and malalim siyang tao. Here’s the other side of my sister. May wisdom din yan. Di lang niya pinapahalata,”aniya.

Hindi naman ito ikinaila ni Alex lalo pa’t noong bago siya ay nagkaroon siya ng struggles sa showbiz dahil madalas ay naikukumpara siya sa achievements ng kanyang Ate.

Gayunpaman, hindi naman ikinaila ni Alex na na-bless din siya at nakilala dahil kay Toni na hindi naman niya itinuturing na biggest insecurity niya.

Ngayon, happy na si Alex dahil hindi na siya tinatawag na anino lamang ni Toni dahil may sarili na itong identity sa showbiz.

Isa rin si Alex sa local celebrities na pinakarami ang followers sa social media at patok ang collaboration sa dyowang si Mikee Morada.

Leave A Reply

Your email address will not be published.