Abante Tonite Interactive

IZ * ONE bagong hahangaang girl group

By
71

Noong Biyernes ng gabi, hindi lamang mga taga-South Korea at Japan ang tumutok sa finale episode ng idol survival show na “Produce 48” na ipinalabas nang live sa Mnet.

During the live telecast na naka-live streaming din sa iba’t ibang bansa, nag-top one trending ang #produce48 worldwide sa Twitter at gayundin, nag-number one sa Philippines. Halos nadomina rin ng ilang girls at hashtag na konektado sa “Produce 48” ang Top 20 trending worldwide.

Mula sa 20 contestant, namili na nga ng 12 girl-trainees na magde-debut sa South Korea bilang ­bagong girl group na tatawa­ging IZ*ONE.

Ang 12 members ng IZ*ONE ay nanalo over 20 trainee from the beginning through combination of text voting during the live show at online votes mula August 25 to 31, with only one text counted from each phone number.
Pero ang 12 members ng new IZ*ONE ay nagsimula na 96 trainees hanggang maka-survive sila sa ilang elimination hanggang finale.

Narito ang Top 12 girl group of IZ*ONE: 1 si Jang Won Young (Starship Entertainment) – 338,366 votes, 2.Miyawaki Sakura (HKT48) – 316,105 votes, 3. Jo Yu Ri (Stone Music Entertainment) – 294,734 votes, 4. Choi Ye Na (Yuehua Entertainment) – 285,385 votes, 5. An Yu Jin (Starship Entertainment) – 280,487 votes, 6. Yabuki Nako (HKT48) – 261,788 votes, 7. Kwon Eun Bi (Woollim Entertainment) – 250,212 votes, 8. Kang Hye Won (8D Creative) – 248,432 votes, 9. Honda Hitomi (AKB48) – 240,418 votes, 10. Kim Chae Won (Woollim Entertainment) – 238,192 votes, 11. Kim Min Ju (Urban Works Media) – 227,061 votes, at 12. Lee Chae Yeon (WM Entertainment) – 221,273 votes.

Nagsimula ang finale kunsaan, lahat ng contestant ay nag-perform ng “Produce 48” theme song “Pick Me (Naekkeoya)”. Hinati naman ang 20 contestant sa dalawang team na nag-perform ng dalawang new track.

Napakasuwerte ng mga magde-debut bilang IZ*ONE dahil ngayon pa lang, may mga sarili na silang mga hukbo ng tagahanga. Hindi malayong kung ano ang kasikatan ng mga naunang produced idols ng ‘Produce’ tulad ng IOI at Wanna One ay ga­yundin o mahigitan pa ng IZ*ONE.()