Abante Tonite Interactive

Iza 2-linggo ang bakasyon bago ang wedding

By
595

tonite-imo-vinia-vivar

Pinagsasabay nga­yon ni Iza Calzado ang pagha­handa sa kanilang kasal ng fiancé na si Ben Wintle at ang kanyang showbiz career. Sunod-sunod ang kanyang mga proyekto lately at mukhang nakakaya naman niyang pagsabayin.

In fact, tumanggap pa nga siya ng bagong teleserye, ang Ngayon at Kailanman sa ABS-CBN kasama sina Joshua Garcia and Julia Barretto na magsisimula na ang airing sa Lunes, Aug. 20.

“Actually, bukod dito, ako’y nagpe-prepare rin sa isang pelikula under Star Cinema rin. Ang dasal ko lang talaga ay mapagsabay-sabay ko sila, pati ang wedding planning,” sabi ni Iza.

Ang hiniling lang daw niya sa mga produksyong may proyekto siya ay isa o dalawang linggong bakasyon before the wedding na gaganapin at the end of the year.

“Para naman mukha akong fresh at hindi ngar­ag. Baka hindi mapa-“I do” si Ben, joke lang,” sey pa ng aktres.
Mabait naman daw ang production team ng NAK at alam niyang ibibigay sa kanya ang hinihingi niya dahil matagal na rin naman daw siyang nagpaalam.

Sa serye ay gagampanan ni Iza ang nanay ni Julia na second time na niyang ginampanan dahil mag-ina rin ang role nila sa A Love To Last.

Valerie pakakasal na

Speaking of wedding, mukhang malapit na ring ikasal si Valerie Concepcion. Dahil sa kanyang post sa Facebook and IG na may suot siyang engagement ring last Wednesday, ang espekulasyon ng lahat ay engaged na siya.

Caption ni Valerie sa larawan ng kamay (in black and white) na may suot na engagement ring, “missin’ you, mahal ko.”

Of course, pinaniniwalang kamay niya ito at makikita nga rin sa picture ang isang guy na ayon sa mga comment ay boyfriend niya named Francis Sunga na naka-base sa Guam.

Ang dami ring nag-congratulate kay Val sa mga comment section kabilang na sina Isabel Oli-Prats, RR Enriquez, Maxene Magalona, Denise Laurel, Yasmien Kurdi, Ehra Madrigal at Meg Imperial.

Wala pang direktang kumpirmasyon si Valerie tungkol dito pero wala naman siyang pagde-deny or correction sa mga bumabati sa kanya which means, totoo nga marahil.

Sa mga past post ni Valerie, makikita rin ang mga lara­wan nilang magkasama ng boyfriend at nagdiwang pa sila ng kanilang first anniversary last January.