Abante Tonite Interactive

Iza, Aiko, Janine tiniis ang pila sa pagboto

425

Nakakatuwa na nag-effort talaga ang mga artista natin (na hindi tumatakbo, ha!) to exercise their right to vote. Lumabas talaga ang marami sa kanila para bumoto na hindi biro kung tutuusin dahil sa haba ng pila na kaila-ngan mong pagdusahan bago ka makaboto.

Isa sa nakita naming nag-post ng kanyang pagboto ay si Iza Calzado at sa caption niya ay ine-encourage niya ang lahat na bumoto.

“Exercise your right to vote! Please know that every single vote counts. So many people are jaded and apathetic because they are frustrated with how things are going. I hope that we keep believing in the power of our votes because this can make a difference. Kailan pa tayo boboto, pag ang karapatang ito ay ipinagkait na sa atin? May oras pa, boto na!!!” ang caption ni Iza.

Isa pang nakatawag ng pansin sa amin ay ang “paglalagare” ni Aiko Melendez na matapos bumoto sa Quezon City ay kaagad na dumiretso sa Subic para naman samahan ang boyfriend niya na si Mayor Jay Konghun to cast his vote. Tumatakbo naman ang alkalde bilang vice governor sa Zambales.

“Being the suppor-tive gf iam, as Promised i went to Subic to accompany him voting 🙂 Official Photographer nya ako Goodluck baby So so Proud of you 🙂 You are destined to Serve,” caption ni Aiko sa ipinost na larawan ng boyfriend.

Isang araw bago ang election day ay nag-post din si Aiko ng kanyang pagsuporta sa boyfriend and wished him good luck. Very proud siya sa BF sa pagiging strong nito during the campaign sa kabila nang napakara-ming ibinatong issue dito at inihalintulad niya ito kay Lily Cruz na karakter ni Maja Salvador sa “Wildflower.”

“This campaign made us stronger and closer. PLS know how Proud am of you. You have just proven that just like Lily Cruz , You are indestructible! Together we stand tall! Love you,” bahagi ng post ni Aiko.

Iba naman ang tweet ni Janine Gutierrez dahil aniya, natatakot siya sa magiging resulta ng eleksyon.

“Half of me wants to prolong this day of suspended hope before the numbers are revealed because I’m scared of the results.. but what’s important is we voted. We did our part. And now we hold on to hope for a little longer,” tweet ni Janine na nilagyan pa ng prayer icon sa dulo.
***

Selfie kay mommy pinu-push ni Kim

Humabol sa pagbibigay ng tribut­e si Kim Chiu sa kanyang namayapang ina noong nakaraang Linggo, Mother’s Day. Medyo gabi na nang mag-post ang aktres ng greetings niya kalakip ang old pictures ng ina. She regrets the fact na wala pa raw cellphone cameras noon kaya wala halos siyang naitabing larawan nito noong nabubuhay pa.

“Seeing most of the posts today made me somewhat a little jealous, I’m trying to look for photos of me and my mom and these I found. For years these have been with me, the only photos I have with her before we don’t own a camera.

“My mama is a camera shy, we only get our photos from the cameraman sa mga events na may sticker ka to claim it, but she seldom joins the picture. technology now is way far diff just one click on your phone then you can have as much photos as you want. memories to look back again and again. wish we had this technology 20 years ago….” bahagi ng mahabang caption ni Kim.

At dahil bata pa lang siya ay namatay na ang kanyang ina, pinayuhan niya ang mga netizen na buhay pa ang moms to take lots of photos with their mothers.

“Happy mothers day to all the mothers out there. take lots of photos with your mom, hug her tight, tell her you love her, always say thank you and appreciate everything she has done for you,… before its too late. We cant hold on to something, forever,” aniya.

Pagkatapos nito ay pinasalamatan niya ang kanyang ate na tumayong ina sa kanilang magkakapatid nang mawala ang kanilang ina.

“My mom may be gone but blessed to have an ‘ate/mom’ who stand by us and accept the responsibility of being a mother to all my siblings! we are so lucky to have you achi.thank you for loving us, being proud of each and e­veryone of us. always being there kahit wala ka nang time for yourself. you are so selfless, thank you for giving your time to us especially to me!!! you are the real champion! i love you so much, happy mothers day!!!” pahayag pa ni Kim.