Abante Tonite Interactive

Iza at Karylle, malabong sumunod kina Sunshine at Diana

By
14

BALIK-Encantadia si Diana Zubiri bilang ­diwatang si Lilasari.

Gaya ni Sunshine Dizon ay dati ring gumanap si Diana bilang isa sa apa­t na Sang’gre sa orihinal na Encantadia.

Pirena si Sunshine at Danaya si Diana.

Si Sunshine ay nauna nang pumasok sa requel ng Enca bilang si Adhara, isang bagong karakter na kontrabida.

Ngayon ay si Diana naman ang bagong pasok sa eksena bilang makapangyarihang diwatang Sinukuan na matagal na itinago at ginawan ng maskara ni Cassiopea (Solenn Heussaff) para ikubli ang mukha nitong may sumpa.

Ngayong nakawala na ang mabagsik na si Lilasar­i ay magi­ging magkakosa sila ng hitad na si Adhara sa pagpapabagsak sa mga Sang’gre.

Sa pagpasok ni Diana ay dalawa nang orig na Sang’gre ang kasama sa cast ng Encantadia.

Malabong sumunod kina Sunshine at Diana sina Iza Calzado (orig na Amihan) at Karylle (orig na Alena) dahil pareho nang nasa kabilang istas­yon ang dalawa.

Kinailangang magpapayat ni Diana at ibalik ang dati niyang figure­ para sa kanyang TV comeback.

Muli rin siyang nag-aral ng arnis at paggamit ng espada.

Excited ang sexy ­actress na maging bahagi ng bagong Encantadia na 11 years ago ay naging malaking parte ng buhay niya at showbiz career.

Tahimik ang personal­ life ni Diana, na masaya sa piling ng kanyang hunky hubby na si Andy Smith at dalawa nilang anak.