Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iza bagong kampeon ng kababaihan

0 89

NI: ARCHIE LIAO

Tulad ng kanyang role bilang unang Darna sa pinakaaabangang fantaserye na “Darna” ni Mars Ravelo, ang magaling at award-winning actress na si Iza Calzado ay isang empowered woman.

Naniniwala kasi siyang mahalagang magkaroon ng boses ang mga kababaihan hindi lang sa tahanan kundi pati na sa lipunan.

Bilang InLife Sheroe, pinaninindigan din niya na kaya ng mga kababaihan na maging financially empowered.

“Importante na ma-empower ang mga kababaihan at lahat ng tao sa financial literacy. I’ve made a lot of mistakes in the way I handled my money through the years, and I’m still learning. That’s why I think Pinays should talk about money without that shame,” pahayag niya sa InLife Sheroes #InAko event na mapapanood sa InLife’s Facebook page.

Ayon kay Iza, praktikal na pag-usapan ang tungkol sa tamang paghawak ng pananalapi lalo na sa panahong ito.

Kasama ang mompreneur at blogger na si Shari Poquiz, health advocate Dr. Gia Sison, actress at songwriter Abby Asistio, ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan sa pagiging financially independent sa isang online event na hatid ng Insular Life na ini-host ni DJ Chacha.

Pahayag naman ng InLife Financial Advisor Julianne Benitez, importanteng paghandaan ng mga kababaihan ang pinansiyal na aspeto ng kanilang kinabukasan para maharap nila ang mga hamon ng buhay bilang InLife Sheroes.

Ang InLife Sheroes #InAko campaign ay isang hamon sa mga Pinay para magkaroon ng sapat na kaalaman kung paano nila ilalalaan ang kanilang pera anuman ang kanilang estado, hanapbuhay o personal na katayuan sa buhay.

“When we launched InLife Sheroes in 2019, our initial ambition was to touch the lives of one million Filipino women within three years,” ayon kay InLife Executive Chairperson Nina D. Aguas. “Now that we have successfully touched their lives, it is time to go deeper, to fully explore this engagement so that their financial knowledge will lead to actual financial empowerment,” dugtong niya.

Kaugnay ng usapin sa financial literacy, inilunsad din sa #InAko online event ang music video na “Be A Shero.” Nilikha ni Asistio, ang awitin ay isang panawagan para hikayatin ang mga kababaihan na makianib sa movement for financial transformation.

Para sa detalye, puntahan ang kanilang website na https://chainofprotection.insularlife.com.ph/

Sa mga nagnanais namang maging bahagi ng InLife Sheroes Movement at the #InAko campaign at maging empowered Pinay, bisitahin ang kanilang website na www.inlifesheroes.com; o ang kanilang InLife Shero YouTube channel sa https://bit.ly/3AFCPk3; o mag-email sa inlifesheroes@insular.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.