Abante Tonite Interactive

Iza, chill ang patikim sa millennials

By
24

WALEY: Showing na ang kontrobersyal na pelikulang BLISS ni Direk Jerrold Tarog starring Iza Calzado, Ian Veneracion, TJ Trinidad, Adrienne Vergara, Shamaone Buencamino, Audie Gemora, at marami pang iba.

Kahit over 70 adult/friendly theaters lang ang pagpapalabasan ito, sana tangkilikin pa rin ito ng mga manonood at nagmamahal sa pelikulang Pilipino.

Sobrang dugo at pawis ang iginugol ng lahat sa pelikula at ma­ging ang lead star nito na si Iza Calzado ay ang daming ibang project na isinakripisyo para lang magawa ito at para makatrabaho lamang ang nire­respeto at itinatanging batang direktor na si Jerrold Tarog.

Because of Iza’s high visibility in this film, isang major special project ang in-offer sa kanya.

Long term ang project na ito kaya nakaka-excite.

Then, may isa pang film project na magbabalik sa kanya sa kanyang forte na horror with a young loveteam with an award winning young director din.

At ang isa pang kinaka-excite ni Iza ay ang posibilidad na magkasama sila ng co-star at kaibigan niya sa teleseryeng A Love To Last na si Bea Alonzo sa isang napaka­halagang pelikula sa ilalim ng isang batikang direktor.

“Bring them on!” sabi ni Izadora na hindi tumitigil gumawa ng mga pelikula at projects na nagpu-push sa limits at nagpapatingkad ng husay niya bilang artista.

Aminin man niya o hindi, kabado si Iza sa resulta ng BLISS dahil limitado lang ang sinehan na papalabasan nito dahil For Aduls siya with the R-18 rating.

Sabi ni Iza, “I have great faith in our adults and in the millennials. Chill lang tayo ang experience BLISS.”

***

HAVEY: Mabunga ang meeting ng Metro Manila Film Festival Execom sa producers at press kahapon.

Mga 24 producers­ ang nag-attend ng dialogue at lahat sila ay maganda ang pagtanggap sa taunang MMFF na siya pa ring pinakamalaking exhibition ng Filipino films.

Na-adjust man ang ibang rules at nagkaroon ng apat na pagpasa based on the submission of scripts (deadline not later than June 15) at apat din for finished films (not later than Oct. 30), malugod pa rin itong tinanggap ng producers.

The criteria are as follows: Artistic Excellence 40%, Commercial Appeal 40%, Filipino Cultural and Historical Values 10% and Global Appeal 10%.

No more than two full-length feature film or short film entries of the same genre shall be included in the official entries.

Malinaw rin na bagama’t walang limit sa number of film submissions sa bawat production companies, no two full-length feature film entries starring the same lead actor/actor and/or director shall be allowed.

Out of the producers na nag-attend ng dialogue at meeting, heto ang nagpahayag ng siguradong pagsali sa MMFF nga­yong taon

— Ang Panday ni Coco Martin, Maruming Hangin ni Joel Lama­ngan, Mindanao ni Gil Portes, Deadma Walking ni Julius Alfonso, Larawan ni Loy Arcenas at Citizen Jake ni Mike de Leon.

Ang iba’y naninimbang pa kung anong entry ang kanilang isu-submit pero nakakatuwang malaman ang kanilang positibong pagtanggap sa rules ng MMFF ngayong taon.

Tahasang sinabi na hindi isu-submit bilang entry ang Darna ng Star Cinema. May ibang plano ang namamahala rito na maaaring mas malaki pa sa Metro Manila Film Festival.

Nakatakda nang pangalanan ang Darna sa pagtatapos ng buwang kasalukuyan.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.