Abante Tonite Interactive

Iza ‘di aware: Epi, Jameson nagbuyangyang ng puwet

540

37-anyos na si Iza Calzado nu’ng Lunes, August 12.

Buntis na ang good friend ni Iza na si Solenn Heussaff (34-anyos) at ang dami ring excited na ma-preggers na siya.

Ang sabi sa amin ni Izadora nang matsika namin siya last time sa gala premiere ng Cinemalaya 2019 entry niyang “Pandanggo sa Hukay” sa CCP, ang plano niya ay mga end of next year pa siya magbubuntis.

Bisi-bisihan pa raw siya ngayon at okey lang daw ‘yon sa Fil-Brit hubby niyang si Ben Wintle.

Paalis si Iza pa-New York para sa shoot doon ng movie nila nina Shaina Magdayao at Alfred Vargas directed by Mac Alejandre.

Meron pa siyang “Culion” na aspiring entry sa MMFF 2019 at natapos na niya ‘yung May-December digital series nila ni Jameson Blake sa iWant.

Usong-uso talaga ngayon ang mga papuwet dahil ang sabi sa amin ni Iza ay may butt exposure sa nasabing series ang gumaganap na husband niyang si Epi Quizon at ang young lover niyang si Jameson.

Hindi niya lang daw sure kung papayagan ng Star Magic ang nasabing butt exposure ng 22-anyos na si Jameson.

Hindi yata aware si Iza na nagbuyangyang na ng puwet si Jameson at nagbatibot pa sa isang eksena sa 2016 Cinema One Originals entry na “2 Cool 2 Be 4gotten” na nagpanalo kay Jameson ng Best Supporting Actor award. (Allan Diones)