Abante Tonite Interactive

Iza ginawang puta

By
27

MAPANGAHAS ang pagbabalik ni Iza Calzado sa MMK ngayong gabi sa ABS-CBN. Gaganap siya bilang isang babaeng naging bilanggo ng pagkakataon at pilit na umahon sa pagkakasadlak sa mundo ng prostitusyon.

Sa kuwento, dalagita pa lang ay iniwan ni Hazel (Iza) ang kanyang pamilya para sumama sa tiyahing nag-alok na tutustusan ang kanyang pag-aaral.

Ngunit kabaligtaran ang nangyari dahil nawasak lahat ng kanyang plano nang gahasain siya ng asawa ng kanyang tiyahin.

Sa pagbalik niya sa probinsya ay nakilala niya si Bensyo (Gerald Madrid), ang pangalawang lalaking magsasamantala sa pagkababae niya.

Binenta siya sa casa bilang isang prostitute at masaklap pa ay nabuntis pa siya nito makalipas ang ilang taon.

Kasama rin sa episode ngayong gabi sina Maris Racal bilang dalagang Iza Calzado, Nonie Buencamino, Jordan Herrera, Jairus Aquino, Maria Isabel Lopez, Soliman Cruz, Tom Olivar, Nor Domingo at Eagle Riggs. Mula sa direksyon ni Raz dela Torre at panulat ni Akeem del Rosario at Arah Jell Badayos.