Abante Tonite Interactive

Iza ikakasal sa December

By
1,017

Sa gala premiere ng pelikulang ‘Distance’ ng Cinemalaya, sinagot ng fiancé ni Iza Calzado na si Ben Wintle na sa December ang kasal nila ng aktres.

Kasama siya sa nanood sa CCP ng magandang pelikula ni Perci Intalan.

Ang ‘Distance’ ay tungkol sa relasyong ina at mga anak na babae.

Kung paano inilahad ang relasyong ito sa naturang pelikula, ‘yun ang makapunit-puso at makatulo-uhog.

Sabi ko nga kay direk Perci, niyakap ko pa dahil nga tuwang-tuwa ako sa pelikula, “Finally, a lesbian themed movie na nagustuhan ko.”

Iba ang emotional commitment at truthfulness na pinuhunan nina Iza Calzado, Nonie Buencamino, Therese Malvar at Alessandra Malonzo.

Si Iza bilang nanay na mas pinili at pinaboran ang kakaibang pagmamahalan, iba ang kanyang pagyakap sa katotohanan. Hers is a performance that is so subtle, nuanced, no hysteria, just truthful to the calling and passion of her character.

Bilang nanay na nahihirapang maka-reconnect sa kanyang mga anak na iniwan. Calzado was on point. Nagugulumihanan, hirap, pero gustong ma­kabawi.

Si Buencamino, ang kanyang katauhan ay dakilang magmahal. Malalim ang pang-unawa. Malala ang pag-ibig sa kanyang minamahal.

Si Malvar, mapangahas, matapang, maigting. May isang eksena si Therese na pusong-puso, tunay na tunay ang damdamin, ramdam mo sa kaibuturan niya bilang anak na iniwan ang sakit at hinampo sa nanay niyang may ibang minamahal.

One long, so painful to watch scene na sa sob­rang totoo, it ended with a sorry that sounded defiant at first, then it became so agoni­zing, so difficult to bear and witness.

At sa true lang, Nonie Buencamino, lalo na ang katauhan niya, ibang klase. Durog na durog ang puso ko sa eksenang nakaupo siya sa kuwarto at mag-isang umiiyak at ‘yung eksena nila ni Calzado, ‘yung sa napatawa na lang siya bilang huling defense sa pagtanggap na ang dating asawa ay kaibigan na lang pero mahal na mahal nya pa rin. Juice colored! Kay husay-husay.

In ‘Distance’, we get to realize that there is no such thing as a perfect family, the struggles are real but when love is still there and respect, we can still make it work.

All forms of relationship need work, most especially the ones that involved your kin, kindered spirit, loved ones and one true love.