Abante Tonite Interactive

Iza ikinuwento ang pinagdaanan sa COVID-19

574

Gaya ng ibang nagkakasakit, kung ano-ano raw ang naiisip noon ng aktres na si Iza Calzado matapos niyang ma-admit sa ospital dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa panayam sa kanya sa DZMM, sinabi ni Iza na hindi lang siya ginamot kontra COVID kundi pati sa bacteria.

Na-diagnose siyang may pneumonia bago niya natanggap ang COVID-19 test result sa kanya. Kalaunan ay na-test na siyang negatibo sa virus.

Naisip daw niya noon kung mamamatay na ba siya.

“You question are you going to pull through this, are you going to survive, is this your time? These are the thoughts that really will enter your head,” aniya.

Sa kabila nito, nanatili raw siyang positibo.

“You really just need to keep a hopeful, optimistic and faithful mindset to pull you through these times,” dagdag niya.

Kuwento pa niya, na-shock siya nang malaman na malala ang kondisyon niya at dadalhin sa ICU.

“When they told they wanted to take me to ICU, it was a complete shock to me. I couldn’t believe it. I felt I was a healthy human being, and then what is this, ICU, intubation. The doctor said if this is COVID, it’s gonna be fast,” sey niya.

Bago raw siya na-admit noon sa Asian Hospital at Medical Center sa Muntinlupa ay isang linggo na siyang may sakit na nagsimula sa pagkatuyo ng kanyang lalamunan. Sumunod na araw ay inubo na raw siya at nilagnat.

Hindi siya uminom ng antibiotic at nag-vitamin lang pero nawalan siya ng gana na kumain at nagtae.

Tumanggi rin daw siya na mag-COVID-19 test dahil nahihiya siya na baka isipin ng iba na ginagamit niya ang pagiging artista niya.

Pero noong magpa-test siya, nalaman na may pneumonia siya.

“Immediately they started treating me for COVID even if of course, at that time the results were taking much longer. It took me eight days to find out if I had COVID or not,” aniya.

Dahil dito, natutunan ng aktres na kapag may nararamdaman sa katawan ay agad komonsulta sa doktor lalo na ngayong pandemic.Nanawagan siya sa publiko na maging responsable.

“If you start feeling any signs or symptoms, you have to be a responsible sick person. Consult your doctor. Please inform anybody you come in contact with. That is your moral and social responsibility,” wika niya. (IS)

Tonite – Wendys Inhouse Ad