Abante Tonite Interactive

IZA, KINONTRA NG DIREKTOR

By
Iza Calzado
12

HETO ang weekly recap ng HAVEY at WALEY… Quick quips na may hugot at impit na ngiti at pagpitik ang gusto naming epek­to sa inyo.

HAVEY: Ang katanggap-tanggap na resulta ng nakaraang Binibining Pili­pinas noong Linggo na tumagal hanggang Mayo Uno na ang paglabas ng resulta kaya napuyat ang mga bakla.

WALEY: Ang hosting ni Xian Lim na matabang, conscious, may delay, at buffering. Sana, sumubok na ang ABS-CBN ng ibang host next year.

HAVEY: Gawad Pasado at Young Critics Circle — mga estabilisadong aca­deme-based award giving body

WALEY: Ang mga eskwelahan na nagpapa-award para mapuntahan ng mga artista at may fa­culty members na nakiki­pag-unahang makapagpa-picture sa celebrities.

Tuloy, hindi na lang ito sinisipot ng awardees at pino-post na lang sa social media ang kanilang pasasalamat.

HAVEY: Double B sa News TV — refreshing, masaya, may laman.

WALEY: Ramdam ang kawalan ni Anthony Taberna sa radyo man o maging sa Umagang Kay Ganda. Hindi kinakaya ni Gerry Baja at Jorge Ca­riño na mag-isa.

Iba pa rin ang wisdom at facility sa language ni Tunying.

Iza Calzado
Iza Calzado

HAVEY: Ang suportahan nina Iza Calzado at Direk Joey Reyes sa pelikula ng isa’t isa na Bliss at My Mighty Yaya na sabay ang playdate sa May 10.

Nang mag-post si Direk Joey ng trailer ng kanilang pelikula ni Ai Ai de las Alas ay agad itong ni-like ni Iza at pinu­ri, “Saw the trailer and it looks so funny! Congratu­lations in advance, Direk! I wish we weren’t up against each other!”

Sumagot si Direk Joey sa kanya ng, “No, dearest. We are NOT up against each other. Your beautiful film has a completely different market to the audience of this movie.

“We are actually in the same team: PANGKAT PINAS. I am praying that both our movies do good … if not great in the tills. BIG BIG HUGS.”

Sana, laging ganito ang suportahan ng mga tao sa ating industriya.

WALEY: Nakakapanghinayang ang box office results ng Luck At First Sight nina Jericho Rosales at Bela Padilla na mahina sa takilya. Sana, mag-pick up ito this weekend.

HAVEY: IT’S OFFICIAL. May REPEAT ang BASIL VALDEZ 40th Anniversary Concert sa MAY 26 FRIDAY at 8:30 PM at The Theater Solaire.

Same guests — Megastar Sharon Cuneta, Ateneo Chamber Singers, and the ABS-CBN Philharmonic Orchestra with Maestro Ryan Cayabyab.

Puwede nang magpa-reserve ng tickets via Ticketworld 891-9999 or call the NY Entourage office at 552-7473.

PLEASE DON’T MISS THIS! It’s good for the SOUL.

WALEY: Kasabay ng Basil concert ang 18th birthday concert ni Loisa ng PBB.

Ang tanong ng mga um-attend, where’s the party?

BUT THIS WEEK’S HAVEY PERSONALITY is Gina Lopez na kahit hindi siya nakapasa sa Commission on Appointments ay SHE BELIEVES SHE CAN FLY.

AT ANG WALEY PERSONALITY OF THE WEEK ay si Senator Tito Sotto na kailangang magpasalamat sa pamangkin-in-law at anak-anakang SHARON CUNETA sa pagso-sorry at pagtatanggol sa ‘pang-aano’ niya sa Commission on Appointments hearing.

HERE’S TO A HAVEY WEEKEND EVE­RYONE!!!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.