Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Iza nabuking ang ‘anak’ ni Sam

0 166

Titigil ang mundo ni Ellice (Iza Calzado) sa kanyang pagtuklas na anak pala ni Gabriel (Sam Milby) si Baby Jacob, ang anak ni Marissa (Jodi Sta. Maria) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Mistulang may bombang sasabog sa harapan ni Ellice nang makita niya ang Affidavit of Admission of Paternity na pinirmahan ng kanyang asawa nang sundan niya ito sa isang law office. Biglang maaalala nito ang lahat ng kanyang naging hinala at pagdududa sa relasyon ng dalawa at ang tahasang pagtanggi nito.

Sa mangyayaring rebelasyon, ano na kaya ang susunod na hakbang ni Ellice sa kanyang best friend at asawa? Kukumprontahin kaya niya ito o matutuloy sa hiwalayan nila ni Gabriel?

Talaga naman kinapitan na ng manonood ang hit seryeng “Ang Sa Iyo ay Akin” dahil bukod sa pagtrend nito sa Twitter gabi-gabi, nitong Setyembre 22 ay most watched teleserye na sila sa iWant TFC. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.