Abante Tonite Interactive

Iza type makipaghalikan sa transgender

By
1,914

Nagpa-cute sa amin si Iza Calzado at ayaw sagutin nang diretso kung kailan exactly this year at kung saan ang wedding nila ng fiance niyang si Ben Wintle.

Baka later in the year daw and at some place in the world ang venue.

Wala pa rin daw siyang wedding gown, gagawin pa lang.

Sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo pa lang ang kumpirmadong ninang at ninong sa kasal.

‘Yung iba naman daw kasi ay hindi showbiz at ang dinig namin ay 3 pairs lang ang gusto nilang godparent.

Nagbabalik-Cinemalaya si Iza this year sa pelikulang ‘Distance’ na may temang LGBT.

May kissing scene sila rito ng gumaganap na lover niya na si Max Eigenmann. Minsan nang nakipaghalikan si Iza kay Eugene Domingo sa indie film na ‘Barber’s Tales’.

Sey ni Izadora, nag-aral siya sa all-girls school at nagkaroon siya noon ng mga babaeng crush, pero eversince ay lalaki raw talaga ang gusto niya at never siyang nakipagrelasyon sa girl.

Mga tatlong take ‘yung kissing scene nila ni Max, na ang sabi ni Iza ay katulad lang ng pakikipaghali­kan niya sa mga aktor na nakaeksena niya before.

Nabanggit ni Iza na gusto niyang makahalikan ang isang transgender para malaman kung kakaiba ang kiss nito.

Si Perci Intalan ang nagdirek ng ‘Distance’ na mapapanood sa Cinemalaya 2018 (August 3-12) sa CCP at selected Ayala Cinemas.

***

Tony dinenay na dyowa si Kisses

Hindi alam ni Tony Labrusca ang isasagot nang mausisa siya tungkol sa ‘Darna’ movie ni Liza Soberano.

Balita kasing si Tony ang napiling makakatambal ni Liza sa nasabing superheroine movie.

Natatawang sagot ng hunkylicious na binata, “Who knows? Sana kung ako talaga ang makakasama sa movie, I would be super-honored. Pero who knows? That’s showbiz.”

Dahil wala pa siyang masabi tungkol sa ‘Darna’, mas excited si Tony na magkuwento tungkol sa kanyang first movie na kasali sa Cinemalaya 2018.

Natuwa ang 22-anyos na binata, ka-join siya sa prestigious na indie filmfest. Aliw ‘yung dayalog niya sa amin na ang akala niya, hindi binabayaran ang mga gumagawa ng indie film.

Ang sarap pagmasdan ni Tony ‘pag nakahubad dahil ang sexy ng kanyang toned body, pero wala raw siyang nude scene sa pelikulang ‘ML’ (as in Martial Law) na bida si Eddie Garcia.

Sabi ni Tony, sa personal ay hindi malaki ang katawan niya, sobrang payatot siya at hindi siya hunk.

Kinontra namin siya dahil hindi totoong payatot siya. In fact, sarap-sarapan ang kanyang hunky body kaya ang daming naeelya-elya sa kanya.

Sa tanong namin kung kaya niyang maghubad sa pelikula na siya ang bida, ang sagot ng Ingliserong binata ay hindi pa siguro ngayon dahil dini-discover pa raw niya ang sarili niya as an artist. Baka in years to come pa raw, tutal ay 22 pa lang siya.

“I still wanna do tweetum movies and like loveteam-loveteam movies. So, huwag muna akong magpakita ng mga gano’n,” natatawang pakli ng produkto ng talent show na ‘Pinoy Boyband Superstar’.

Walang official ka-loveteam si Tony, pero sila ni Kisses Delavin ay may KissTon. Nagkaroon sila ng online show together at since malakas ang fanbase nila ay maraming event na magkasama silang dalawa.

Sila ba ni Kisses?

“No, but our families are very, very close.”

Wala siyang lovelife?

“Wala pa. Gusto ko munang kumita,” nakangiting sagot sa amin ni Tony, na mapapanood sa suspense-thriller na ‘ML’ na sinulat at dinirek ni Benedict Mique.

***

Kylie-Ruru binuhay ang naudlot na tambalan

Biglang nabuhay ang mga KyRu fan dahil nagkasama ulit sina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa Kapuso primetime series na ‘The Cure’.

Matatandaang patok ang YbraMihan loveteam ng dalawa sa ‘Encantadia’ before at kinakitaan sila ng matinding chemistry, kaya lang ay biglang nagbabu si Kylie nang mabuntis ni Aljur Abrenica.

In fairness ay bagay ang KyRu, so maging si Direk Mark Reyes ay na-happy na nakapag-guest ang dalawa sa nasabing TomJen serye.

Adira ang pa­nga­lan ng astig na female character ni Kylie habang si Xander naman ang karakter ni Ruru, na sobrang na-excite na nagkatrabaho ulit silang dalawa matapos ang mahigit isang taon.