Abante Tonite Interactive

IZ*ONE inokray sa lip sync

0 195

Ang Produce 48 girl group na IZ*ONE ay naba-bash. Nakatanggap sila ng kritisismo. Ang dahilan, napansin daw ng mga nanood ng concert nila na may kantang nagli-lip sync lang ang karamihan sa members.

Of course, isa sa hinahangaan sa mga grupo sa South Korea ay ang husay nila sa pagpe-perform ng sing and dance. Idagdag pa ang synchronized movements nila.

Pero ‘yun nga, at present ay nagpu-promote sila ng kanilang “Eyes on Me” concert in Asia. Sa kanilang Fukuoka concert noong September 9, kumalat ang isyu ng diumano’y pagli-lip sync.

Sa 11 members ng IZ*ONE, ang mga miyembro na sina Ahn Yujin at Choi Yena lang daw ang halatang hindi naka-relay sa backtrack sa buong concert.

Ilan sa mga comments ng netizens, “Even the main vocal is lip-syncing.”

Sabi ng isa pang netizen, ibigay na lang daw ang talent fee ng grupo sa dalawa since feeling nila, hindi nag-e-effort ang ibang members.

“Give all their money to Ahn Yujin and Choi Yena. How are the rest of the kids earning money while being like this.”

Pinuri rin ng iba si Yena. Ayon sa mga ito, “I think that overall, Choi Yena has the best skills in the group. First of all, I find her pretty. I felt it during Produce. When they needed her to be the main vocal, she was the main vocal. When they needed her to be the main rapper, she was the main rapper.”

Sa ngayon ay wala pang sagot ang IZ*ONE o ang agency nila. Ang grupo ay produkto ng Produce 48 na pinagsamang Japanese at Korean trainees.