Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jabbar nakisaya kay Magic, LA Dodgers

0 98

Hindi inalintana ni Basketball Hall of Famer Kareem Abdul-Jabbar ang mahinang pangangatawan sa pagdalo at pakikipagsaya pa rin sa natamong tagumpay ng Los Angeles Dodgers bilang kampeon ng 116th Major League Baseball (MLB) World Series 2020 nitong Martes (Miyerkoles, Manila time) sa Globe Life Field sa Arlington, Texas.

Dumalo ang six-time National Basketball Association (NBA) champion at six-time MVP upang samahan ang dating teammate sa Los Angeles Lakers na si Earvin ‘Magic’ Johnson na ngayo’y part owner ng nasabing baseball team.

Related Posts

“Seeing my teammate @magicjohnson enjoying the Dodgers victory brought me to tears & all the emotions of 1988 came flooding back when we were back to back champions in June & Oct of 88!,” tweet ni Jabbar (Kareem Abdul-Jabbar@kaj33), ngayo’y 73-anyos na.

“Heart suit LA Does this mean that Magic is no longer a Detroit Tigers fan ? Lol !,” hirit pa ng basketbolistang isinilang sa pangalang Ferdinand Lewis Alcindor Jr. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.