Abante Tonite Interactive

Jacinto winasak ang 100 back mark ni Papa

285

Pinatatag ni junior tanker Jerard Jacinto ang tsansang makapasok sa pambansang koponan para sa 30th Southeast Asian Games 2019 nang magtala ng record-breaking performance sa 7th FINA World Junior Swimming Championships sa Budapest, Hungary.

Binura ng 18-anyos na manlalangoy ang pinakamatandang national swimming record na 22 taon na 100-meter backstroke ni Ryan Papa na 56.28 seconds sa paglista ng 56.27 sa preliminaries.

Kapapantay lang sa dating record ni Papa ni Jaden Christian Olson nito lang Agosto sa NCSA Summer Championships sa United States.

Ang bagong personal best time ni Jacinto ang tumabon din sa national junior record ni Olson.

Gayunman, ‘di nakapasok si Jacinto sa 16-man semifinals tapos magkasya ang tiyempo niya para lang sa ika-22 puwesto.

Dalawang segundong mabagal ang oras ni Jacinto kay SEA Games gold medalist at record holder Olympian Quah Zheng Wen ng Singapore. (Lito Oredo)