Abante Tonite Interactive

Jack Reid, no comment sa isyung live-in ng JaDine

By
2,815

KAHIT magkapatid sila, ayon kay Jack Reid, ay magkaiba raw ang perso­nality nila ng kapatid na si James Reid. At maging sa career, mas gusto raw niya sana kung magiging magkaiba rin ang path nila.

Pero puring-puri ng ni Jack ang kapatid for being a supportive brother at ito nga raw ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon sa showbiz.

“Originally, I came here to join school. I was going to go to Dumaguete (for) college. But then, my brother said, ‘you know what, if you don’t join showbiz now, you might not have the opportunity in the future.’ He knows what’s gonna happen,” sabi ni Jack nang makausap namin kahapon sa presscon ng pelikula niyang Squad Goals under Viva Films kasama sina Andrew Muhlach, Vitto Marquez, Daniel Hushka and Julia Trono.

Mahirap bang maging kapatid ni James Reid?

“You know, it’s normal for a sibling to have that pressure, so I’ve understood that over the years and yeah, I just take my brother’s advice – be humble, and be the best version of myself. That’s all I can give.”

Expected na rin daw niya na mako-compare siya sa kapatid and ready naman daw siya if ever.

“It can’t be avoided, I accepted that, it’s fine with me.”

Pangalawang pelikula na ni Jack ang “Squad Goals”. Ang una ay “Dark Room” pero supporting role lang at ito ang first time na nagkaroon siya ng lead role.

Sobrang excited daw siya and hopefully ay magpatuloy na raw ang pagganda ng kanyang career.

Samantala, ayaw namang sagutin ni Jack kung nagli-live-in na nga ang kapatid niya at si Nadine Lustre at aniya ay wala raw siya sa posisyon para sagutin ito. Pero nagtataka siya kung bakit big deal ang live in dito sa atin gayung sa Australia ay normal naman daw ‘yun.

Showing na this summer ang Squad Goals mula sa direksyon ni Mark Meiley.

Zion natakot kay Richard

NAGPAPASALAMAT si Richard Gutierrez na kahit kontrabida siya sa ‘La Luna Sangre’ ay wala namang nagagalit sa kanya at minahal pa rin ng manonood ang karakter niya bilang Sandrino na Hari ng mga Bampira.

“Thankful ako si­yempre sa creative team, sa directors ko, and of course, sa audience natin na kahit papaano, kahit medyo masama si Sandrino, medyo lang naman (sabay-tawa), hindi nila ginawang personal ‘yun na galit sila sa ‘kin paglabas ko sa La Luna Sangre,” pahayag ni Chard.

Pero ang anak daw nila ni Sarah Lahbati na si Zion ang takot sa kanya.

“Pero pag-uwi ko, wala na ‘yun, tapos na,” sambit niya.

Ito ang unang kontrabida role ni Chard at naging bukas ang isipan niya sa nasabing papel nang matanggap niya ang offer. Inamin niyang isa itong malaking sugal para sa kanya.

“Siyempre, first time kong gagawin ito sa career ko. Pero I think, sometimes, not only in the craft of acting, but I guess, in life, you always have to take a risk. And sometimes those risks pay off, ‘di ba?

“And for me, I think, the risks that I took to come here bilang kon­trabida, I think it paid off, for myself, and I think sa audience na rin.”

Dahil nga sa sobrang ganda at laki ng role niya, kung aalukin daw siya ulit na maging kontrabida ay papayag siya.

“Why not? Basta maganda ‘yung role. Nung unang nabasa ko ‘yung role ni Sandrino, sinabi ko, “I have to do this character. Challen­ging siya, bago, exciting, and mae-expound ko ‘yung horizon ko as an actor.”