Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jackie ‘di kawalan sa Kapuso

0 752

Pinapausok ang chika na diumano ang GMA Kapuso starlet na si Jackie Rice ay lalayas na sa Kamuning television network.

May mga drama pa nga na sa isang bagong palatuntunan, nagtataka diumano ang mga supporter ni Bb. Jacqueline dahil hindi nila nababasa pa ang pangalan nito na kasama sa show.

May pasingaw rin na magkakalaman kung ka-Siyete pa ang starlet kung masisilayan ang ganda nito sa pangmalakasang patalastas ng network ngayong Kapaskuhan.

Sa true lang, kung sakali ngang mag-vo-volt out si Jackie, kawalan ba talaga siya? Ang diva that you love siguradong mas essential sa buhay nating lahat ang brown rice, red rice, pati na nga Ifugao organic rice pero si Jackie Rice, kahit sa government owned stations siya lumipat, ayos na ayos lang.

Ang daming ladies in waiting sa number one network sa kasalukuyan kaya iikot ang mundo ng mga taga-produksyon dun with or without her. Sangrekwang TV oportunidad na rin ang ibinigay sa kanya, naging bida, support at kontrabida. Nagka-sexy movie pa nga siya dati, hindi ba naman? Pero for all her mestiza features and gandang pambihira, may kung anong kulang sa binibining ito kaya hindi pumailanlang in a major, major way ang kanyang estrella at pagiging istariray.

Malay mo, malay ko, malay nating lahat ang paglipat niya sa dako pa roon, kung totoo at hindi kiyeme latik, eh ang magpaningning sa kanyang aandap-andap na bituin.

Sana lang, bago siya pumunta sa kung saan, magawa niya man lang ang ginawa ni Ryza Cenon na bago pa ito naging ka-Dos, umeksena talaga. Nagmaganda sa pagiging tinik sa dibdib at salot sa buhay ni Sunshine Dizon sa “Ika-6 Na Utos.” Hindi puwedeng tawaran ang pagkaimpakta ni Cenon bilang si Georgia, hindi ba naman?

Kaya nga Jackie Rice, sana man lang bago ka magpaalam sa mga dapat pagpaalaman, mag-iwan ka man lang kahit isang katauhan na magsasabi sa lahat na mahusay kang aktres.

BB tumalak kay Ogie

Papatulan pa ba natin ang pagmamaganda ni BB Gandanghari sa kasalukuyan? Huwag na! Alam naman nating kulang lang sa pansin si Tiya Gandanghari at nag-iinarte na para bang may pribelihiyo siyang magsuplada at magmaldita.

Tiyak naman ang tinatalakan niya, kayang-kaya siya bimbangin punto per punto lalo na nga’t alam naman nating Ogie Diaz is Ogie Diaz, hindi ba naman?

Sadyang malikhain lamang itong si Tiya Gandanghari at marunong makisawsaw sa isang isyu na sa ngayon ay hikab na ang tanging reaksyon mula sa madlang pipol.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung tatalak din ang namamahal sa karera ni Liza Soberano, may pag-asa na may extension pa ang super stretched na more than-15 minutes of infamy nitong si BB.

Pero kung si Diaz ay mananahimik at hindi ito papansinin, tiyak na magwawala lalo ang transitioning to another gender na si BB. Kasi nga ang pinakamasakit na maaring gawin sa isang taong nagpapansin ay ang deadmahin ito in a major, major way. Mas masakit ito sa mag-asawang sampal at hablot sa buhok na manipis ang hindi pagpatol sa mga hindi kumikilos ayon sa kanilang ganda.

‘Yun lang.

Ngayong tila walang ginagawang pelikula si Queen Bayot Vice Ganda at ang mga haring sina Bossing Vic Sotto at Kuya Coco Martin sa paparating na MMFF, tiyak na ang mamayagpag ay si Roderick Paulate.

Isinumite ng TREX Entertainment bilang finished film ang “Mudrasta.”

Yes, Paulate is so back to reclaim ang kanyang pagiging fuerza sa takilya at ang pagiging “reyna” ng mga bekibel sa kanyang pelikulang idinirehe ni Julius Alfonso.

Ang ka-love team niya rito ay ang mahusay na dramatic actor na si Tonton Gutierrez. Interesting to know and watch kung paano mag-blossom at bloom ang pagmamahalan ng mga katauhan nina Kuya Dick at Gutierrez lalo na nga’t in na in ang boys love drama sa ngayon.

Kasama rin ang kanyang kaibigang si Carmi Martin at kung may special dance number sila, ano ito, flashback at throwback ng “Tonight With Dick and Carmi”?

Ang kontrabida lang naman ni Paulate eh ang kontrabida of the highest order, the Queen of Mean, si Ms. Celia Rodriguez.

So, saan ka pa?Nangangamoy na ang paghahalakhak all the way to the bank ni Roderick dahil sa “Mudrasta”, huh!

Ang tanong, maliban sa pagiging number one sa MMFF takilya, ano kaya ang bet niya pang karangalan na iuwi, ang best actor trophy? Kaabang-abang, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.