Abante Tonite Interactive

Jackie pera ang habol kina Andre, Kobe?

1,686

tonite-imo-vinia-vivar

Itinanggi ni Jackie Forster ang akusasyon ng mga netizen sa kanya na kaya lang daw niya gustong mapalapit sa mga anak niyang sina Andre at Kobe Paras ay dahil sa pera.

Sa kanyang­ mahabang post in her Instagram account, ani Jackie,­ kailanman at hindi siya nanghingi ng pera sa dalawang anak niya at hinding-hindi raw niya gagawin ito.

“There are people saying things about me on social media like: I’m only trying to be in my sons lives because of money, I only contact them when I need something from them or I’m trying to use them to become famous?? 1) I don’t need money from anybody, never needed it from their father and I never asked them for money and never will.

“2) yes! That’s true I only send out messages/reach out when I need something from them – that’s called needing – a relationship. That was and is a need, not just for me but for the boys as well. All children need to have relationships with both parents. It’s vital,” ang simula ni Jackie sa kanyang post.

Sinagot din niya ang akusasyong ginagamit lang niya ang dalawang anak para sumikat. Aniya, minsan sa buhay niya ay naging maganda naman daw ang kanyang showbiz career bago pa man dumating sa buhay niya si Benjie Paras na tatay nina Andre at Kobe.
“3) I’m using them to be famous??? Umm.. this is what confuses me the most because I’m sure many of you my age of a little older remember that I was somebody once upon a time too.. I had big dreams and a big career. I think, correct me if I’m wrong – before my two sons or their father came along many people knew who I was. I worked my ass off as a young actress and I paid my dues – I tra­veled through the Philippines back when there was no SMS or smart phones, no internet and no social media.

“I had movies, dozens of tv guesting and had to travel to the ends of our islands for shows to promote movies or products or when i was invited by the politicians.

“Please don’t diminish the little legacy I left behind to try to make others look good or to continue to make me look bad.

“The old chapter I had is behind me, Kobe chose to also turn the page. Andre chooses to stay in the past for reasons he can explain to everyone when he is ready. He is an adult and I am respecting his need for space or time,” pahayag pa ni Jackie.

Sa huli ay nakiusap siya na itigil na ang negativity dahil nananahimik na raw ang buhay niya sa London.

“I’m all the way in London trying to live in peace and joy with my three younger children. Please stop spreading negativity about me.

Just because I don’t post material things or show off it doesn’t mean I don’t have – I don’t want to have to post the brands I wear, where I shop, where we eat, what we eat!?? Just to prove myself to people who mean nothing to me.

“I am focusing on who wants and needs me in their life. I share travel pics and milestones/frustrations because I think it’s important for people to explore the world and To cherish daily achievements & help each other,” pagtatapos ni Jackie.

RS nalunod sa pictorial

Kaaliw ang kuwento ni RS Francisco­ sa experience niya sa pictorial with ace photographer Jun de Leon para sa charity photo exhibit ng Chrysalis for his latest big production, ang restaging sa Pilipinas ng M. Butterfly, the Tony Award-winning play by David Henry Hwang.

Ayon kay RS, sa underwater sila nag-shoot at muntik na siyang malunod.

“So, paglubod ko sa tubig, I had 1 mi­nute to emote-emote and then sesenyas lang ako and they would pull me up,” kuwento ni RS sa grand presscon ng M. Butterfly last Sunday.

First take pa lang ay nalunod na raw siya pero hindi siya nagpahalata kay Jun.

“As in talagang hindi ko na kaya, gumanu’n (hindi na makahinga) na ako. Pero pagdating sa taas, kunwari poised ako. Sabi ni Jun, “Okay ka ba?” “Of course!” Sabi niya, “are you ready?” “I was born ready.” Hindi niya alam, puro tubig na sa ilong ko,” kuwento ni RS.

Puring-puri naman ni RS si Jun at iba pang prominent photographers na nag-participate tulad nina Raymund Isaac, Manny Librodo, Mandy Navasero, BJ Pascual, Wig Tysmans and Patrick Uy dahil hindi raw talaga nagpabayad ng serbisyo ang mga ito knowing nga na this is for charity cause.

Samantala, all set na ang Frontrow Entertainment at ang co-producer na si Jhett Tolentino para sa M. Butterfly na magsisimula na sa Sept. 13 sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC.

Sa ikalawang pagkakataon ay gagampanan ni RS ang papel na Song Liling na una niyang ginampanan noong 1990 sa first staging of M. Butterly sa ‘Pinas sa Dulaang UP.