Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jackie tumihaya sa batuhan

0 656

NI: Nonie Nicasio

Nagpatikim ng sample ng kanyang kariktan ang ‘It’s Showtime’ Ate Girl na si Jackie Gonzaga. Ito ang mabibistahan sa kanyang Instagram account.

Suot ang sexy two-piece bikini, dito’y tila nag-enjoy nang husto si Jackie habang sinasalpok ng mga alon ang kanyang katawan. Animo nga ipini-flex ni Jackie ang kanyang kaseksihan, habang nakatihaya sa batuhan sa dalampasigan.

Lutang na lutang ang alindog ng dalaga sa porma niyang ito. Ang kanyang maputi at makinis na complexion, plus nakapaglalaway na legs, makurbang katawan at malulusog na bumper, ang katumbas sa mga kalalakihan ay isang babaeng vavaboom!

SM food to go Banner Ad

Sa naturang post, aprubado naman sa Kapamilya aktres na si Loisa Andalio ang ibinalandrang kaseksihan ni Jackie nang nag-react ito nang – “ay ohhh🔥🔥🔥🔥🔥”.

Matindi ang taglay na sex appeal ni Jackie, kaya siguradong maraming barako ang atat na atat sa kanyang kariktan.

Ang gaya niya ang type puntiryahing masilip ng mga kalalakihan. Ang kakaibang hotness niya ay pampayanig at pampabilis ng tibok ng puso ng mga lalaking type na type ang mga hot babe.

Si Jackie ang klase ng dalagang minimithi ng maraming boys. Ang kanyang matinding rehistro sa mga kalalakihan ay sapat para mabusog ang mga mata at makompleto ang araw ng mga tigasing kalahi ni Adan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.