Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jackpot sa Grand lotto papalo sa P243M

0 83

Mailap pa rin na napanalunan ang tumataginting na P232 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Lunes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Martes, walang nakakuha sa six-digit winning combination ng Grand Lotto 6/55 na 51-02-49-47-46-36 kaya’t hindi napanalunan ang jackpot prize na P232,111,463.20.

Inaasahang madaragdagan pa at aabot sa mahigit P243M ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa susunod na bola nito ngayong Miyerkules.

Samantala, nasolo naman ng lucky bettor sa Zamboanga del Sur ang P8,910,000 na jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 matapos mahulaan ang winning combination na 17-32-23-14-25-18. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.