Abante Tonite Interactive

Jaclyn excited sa pagbubuntis ni Andi

By
320

Kamakailan lang ay proud na inanunsiyo ni Andi Eigenmann na siya ay 14 weeks pregnant sa kaniyang surfer boyfriend na si Philmar Alipayo.

Halo-halo ang naging reaksiyon ng mga netizen para sa aktres. May nagbigay pa nga ng payo na sana magpakasal muna ito.

Napikon naman ang aktres sa komento ng netizen sa Instagram.

Aniya, “you are in no place to tell me how i should lead my life. More so, tell me that i am “sayang” because i am happily pregnant at 28 yo. I dont expect nor intend for everyone to be pleased by how i see life, but your negativity is very unnecessary, and you may feel free to click unfollow.”

Hiling pa ng netizen na sana ay hindi na sila maghiwalay pa. Sa unang anak kasi ng aktres na si Ellie ay hiwalay agad ito sa ama na si Jake Ejercito.

Samantala, curious naman ang isang netizen kung ano ang naging reaksiyon ng ina nito na si Jaclyn Jose. Noong unang beses kasi na malaman ng ina nito na buntis siya ay labis ang naging pag-iyak nito.

Subalit ngayon ay masaya si Jaclyn sa magandang balita ng anak. Komento ni Andie, “of course, Im already 28. She is very excited.”