Abante Tonite Interactive

Jaclyn nagpasaring kay Mommy Divine

1,955

Sa kasagsagan ng kontrobersya kaugnay ng gulo sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, lumalabas na kontrabida sa mata ng publiko ang stage mother ng Popstar Royalty na si Mommy Divine.

Marami rin ang nakikisimpatiya sa kalagayan ng singer-actress na sa edad na 31 anila ay deserved nang hanapin ang kanyang sariling kaligayahan.

Pati ang mga celebrity ay nag-react sa isyung kinasasangkutan ng newly wed with Mommy Divine.

Ang award-winning actress na si Jaclyn Jose ay nagpahayag din sa kanyang socmed post na sa pagpalaki sa kanyang mga anak ay hindi siya nakakuha o inobliga ang mga ito kahit isang kusing.

Ito ang teksto ng kanyang post: “It is our responsibility as parents, i am a single mom of 2, i worked so hard to make them feel that everything was ok. napuputulan ng ilaw o d makabayad rental but that doesnt mean na ipapasa ko problema ko sa mga anak ko ..i havent get a single centavo sa mga anak ko. Kakayanin ko lahat para sa mga anak ko .i did all my best to raise them happy lang..no controlling para pag time naman nila gawin nila naman para sa mga anak nila..d ako nakikisawsaw sa issue just giving my point let them at the end they will more responsible..us parents must understand our children let them leave madadapa yan pero babangon kung hahayaan natin sila ….at wag obligate your children to pay your dreams they have their own too…” (Archie Liao)