Abante Tonite Interactive

Jaclyn, panahon na sa TOWNS

123

ISANG bagong award ang tatanggapin ni Hidilyn Diaz para sa kanyang excellence sa Sports sa The Outstanding Women For Nation Service.

Noong media announcement, inaasahan namin si Jaclyn Jose bilang isa sa awardees dahil sa achievement niya bilang best actress sa Cannes.

Every 3 years lang ang TOWNS Award na napanalunan na rin nina Nora, Vilma at Sharon.
Panahon na dapat ito ni Jaclyn.

Anyare?

***

After Encantadia, mukhang magbabalik sa GMA Telebabad ang Mulawin.

Pinag-uusapan online ang social media post ng ta­lent manager na si Popoy Ca­ritativo kung saan naki­pag-meeting sila ng alaga niyang si Dennis Trillo sa mga Kapuso exe­cutives ‘para sa pinaka­bagong primetime show!’

Ang hashtags kasi niyon eh #Mulawin2017, #MulingPaglipad at #DennisTrillo

***

Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon
Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon

Kakaiba at nakakaintriga ang bagong afternoon drama series ng GMA 7 na Ika-6 na Utos.

Pagbibidahan ito nina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Mike Tan at Rich Asuncion.

Ang direktor ay si Laurice Guillen.

***

Payanig ang b-day presentation ni Devorah Lopez mamayang 11:00 PM sa One 690, #39 Roces Av., QC (tapat ng Amoranto Sports Stadium).

Labing-isang bikini boys ang magpapasiklaban sa palabas na Gorgeous Hunks Go Wild.

May bonus pang surpresa si Mama Dev!

***

LJ Reyes at Paolo Contis
LJ Reyes at Paolo Contis

Malakas ang tama sa puso ng episode nina Paolo Contis at LJ Reyes sa Wagas bukas nang 7:00 PM sa GMA News TV.

Napasabak sila sa aksyon at drama dahil sa istorya, ang tindera sa palengke na si Nancy (karakter ni LJ) ay napaibig ng takaw-gulong si Aying (karakter ni Paolo).

Walang kamalay-malay si A­ying na ang pinakasalan niya ay drug addict!

Sapat ba ang pag-ibig nina Aying at Nancy sa isa’t isa upang malagpa­san ang unos na ito?

***

Exemplary ang adjective na magagamit para kay Yasmien Kurdi dahil super effective ang pagganap niya bilang nanay sa GMA afternoon drama series na Sa Piling Ni Nanay.

Sa totoong buhay, isa siyang hands-on mom at asawa sa kanyang mag-ama.

Nakakatuwa ang growth ni Yasmien through time.

Hindi kataka-taka na tinututukan ng masa tuwing hapon ang kanyang teledrama.

***

Katulad ni Vivian Velez, tinanggihan ni Ba­yani Agbayani ang alok ng kasalukuyang gobyerno na umupo bilang board member ng MTRCB.

Actively na nangampanya si Bayani para kay Presidente Digong pero hindi niya kailangan ng posisyon sa gobyerno para tumulong sa mabubu­ting causes.

Ang isa pang balita ay ang film critic at Rappler reviewer na si Atty. Oggs Cruz ang papalit kay Atty. Toto Villareal pero wala pa ring kumpirmasyon.