Abante Tonite Interactive

Jaclyn, seryoso sa pagpapatawa

By
9

SABI ni Jaclyn Jose, baka iniisip ng iba na hindi niya kinakarir ang acting niya sa A1 Ko Sa’yo dahil nagku-comedy lang siya roon.

Seryoso rin siya sa pagpapatawa sa naturang sitcom dahil mahirap din ang magpatawa.

Ibang atake lang siya rito dahil malayo ito sa ginagawa niyang pagkontrabida sa soap at drama sa ilang pelikula.

Enjoy siya sa set ng A1 Ko Sa’yo dahil masaya ang co-stars niya at magaan katrabaho.

Isang masaya at kuwelang episode na naman ang mapapanood mamayang gabi sa A1 Ko Sa’yo sa GMA 7.