Abante Tonite Interactive

Jaclyn tanggap ang dyowa ni Andi

482

Labis na nabahala si Jaclyn Jose nang mabuntis ulit ang anak na si Andi Eigenmann. Ang ama ng kanyang dinadala ay ang nobyo nitong surfer na si Philmar Alipayo.

For one, hindi pa niya kilala ang nasabing champion surfer dahil hindi pa ito ipinakikilala sa kanya ni Andi.

Hindi rin siya sigurado kung kayang buhayin nito ang kanyang anak at ang baby nito.

Ngayon, bilang isang ina, nanaig pa rin ang pagmamahal niya kay Andi kaya naman hindi niya ito natiis nang magdaos ito ng baby shower kamakailan.
Join siya sa mini-reunion ng Eigenmann clan kasama sina Ryan, Gabby, Sid Lucero, Michael de Mesa at apong si Ellie sa pagdiriwang ng importanteng kabanatang iyon sa buhay ng anak at darating na apo.

Ibig lang sabihin, tanggap na rin niya at nakilatis ang bagong nobyo ng anak. Nagsilbing inspirasyon ito ng aktres at willing ipagpalit ang showbiz nang dahil sa pag-ibig. (Archie Liao)