Abante Tonite Interactive

JaDine ayaw pakabog sa LizQuen, KathNiel

0 235

tonite-this-is-it-roldan-castro

 

Umeksena rin sina James Reid at Nadine Lustre sa pagdiriwang ng 3rd anniversary. Sumasabay sila sa pag-amin nina Liza Soberano at Enrique Gil ng kanilang relasyon. Ganoon din ang tampuhan umano nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Mukhang ayaw pakabog ng JaDine sa dalawang kontrobersyal na loveteam.

Nagkaroon sila ng romantic trip. Nasa isang resort sila na very sweet at ini-enjoy ang importanteng araw ng kanilang relas­yon.

Komento ng mga netizen sa isang site, “kayo lang mga bashers ang nag dadala ng kanegahan sa kanila. Look how happy and blessed they are for being together for 3 years. Reason why they are diffe­rent from the other celebrities, they do not conform, they are not pa showbiz which means, they are always original.”

“Masama ba magwish na makasal sila? Gusto ko sana mauna sila kesa sa ibang LTs. Para naman mapanindigan natin ang pagiging trendsetter.”
***

Zanjoe-Josie naispatan sa resto

Caught in the act sina Zanjoe Marudo at ang rumored girlfriend-model na si Josie Prendergast.

Nasa Instagram account ng Star Magic handler ni Marudo (Monch Novales) ang bagong la­rawan na nagdi-dinner sila. May caption pa si Novales na “Happy to see you again, @josie_prendergast!”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina Zanjoe at Josie sa real score ng kanilang relasyon.

Last year pa su­mabog ang tsika tungkol sa kanila. Dumalo si Z sa kaa­rawan ni Josie sa Siargao. “Kinikilig ako,” ang reaksyon noon ni Marudo nang maging viral ang photo nila sa nasabing okasyon.

Marami naman ang nagsasabi na bagay sila at super ganda ni Prendergast.