JaDine ‘di iniwan ang Kapamilya

NI: ARCHIE LIAO
Muling aalagwa sina James Reid at Nadine Lustre dahil kasama sila sa magpapasigla ng inyong Pasko.
Kasama ang phenomenal love team sa Christmas station ID ng ABS-CBN.
Suot ang bagong “Ikaw ang Liwanag at Ligaya” shirt, ipro-promote nila ang Christmas station ID ng Kapamilya network.
Ito ay good news sa mga fan ng JaDine fan na na-miss ang kanilang tandem.
Si James ay huling napanood bilang isa sa mga hurado ng “Search for Idol Philippines”noong nakaraang taon samantalang si Nadine ay nagsilbing judge sa ABS-CBN talent search show na “Your Moment.”