Abante Tonite Interactive

Jadine, Elnella at Mayward, pasiklaban sa EDDYS

102

STAR-STUDDED ang 1st Eddys Awards (Entertainment Editors Awards for Movies) sa Linggo ng 7:00 PM sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, QC.

Iho-host ito ng mag-amang Edu & Luis Manzano.

Performers sina James Reid & Nadine Lustre, Ella Cruz & Julian Trono, Yassi Pressman & Arjo Atayde, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Morisette Amon, at Klarisse.

Kabilang sa presenters sina Empoy Marquez & Alessandra de Rossi (Kita Kita), AJ Muhlach & Phoebe Walker, Sarah Lahbati & Richard Gutierrez, Edward Barber & Maymay Entrata, JC Santos & Bela Padilla, Elmo Magalona & Janella Salvador (Bloody Crayons), Cristine Reyes at Jodi Sta. Maria.

Empoy at Alessandra
Empoy at Alessandra

Pagkakalooban ng special awards sina Boy Abunda, Lav Diaz, at Mother Lily Monteverde.
Ang Eddys ay production ng Viva Live.

Ang pumili ng winners ay ang members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), na pinamumunuan ni Isah V. Red.

Sabi ni Laharni Marawi vda. de Maute, “For sure, palakasan ng sigaw riyan ang fans ng Jadine, Elnella at Mayward!”

***

Excited ang fans sa pagbabalik ni Jepoy (Vin Abrenica) at ang pagpasok ng fake na Lily Cruz (Yen Santos) sa teleser­yeng Wildflower.

Pumalo ang prog­rama sa panibago nitong all-time high rating.

Base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (July 3), nakakuha ang Wildflower ng national TV rating na 25.8% mula sa pinagsamang urban at rural homes kumpara sa 15.8% ng kalabang programa.

Dito napanood ang pagbihag ni Natalie (Roxanne Barcelo) kina Emilia (Aiko Melendez) at Ivy (Maja Salvador), at pag­ligtas ni Raul (Wendell Ramos) kay Diego (Joseph Marco) sa bingit ng kamatayan.

Sa pagkatuklas ni Diego sa pagkatao ng ama bilang si Jaguar, sumapi kaya ito sa kanya?

Anu-ano ang susunod na mga kaganapan sa pagbabalik ni Jepoy? Paano mababago ang laro sa paglitaw ng pekeng Ivy Aguas?