Abante Tonite Interactive

JaDine gumimik sa Makati

559

Matapos ang hiwalayan ng JaDine, nakatuon na ang mata ng mga netizen sa bawat galaw nila. Usap-usapan ngayon ang video nila mula sa isang party sa Makati.

Namataang magkasama ang ex-couple sa Alamat Filipino Pub & Deli sa Makati noong Sabado, January 25.

Halo-halo ang naging interpretasyon ng mga fan at netizen sa mga video na naglalabasan. Sa isang video ay makikitang iniwasan ni Nadine ang papalapit na ex-boyfriend.

May mga recorded video naman na magkasabay nilang binati ang ilang kakilala. Spotted pa nga sa isang larawan na kasama nila ang malapit na kaibigan na si Kiana Valenciano.

May isang video naman na sumasayaw si James sa harap ni Nadine.
Pinatotohanan naman ng isang netizen na nasaksihan niyang sweet ang dalawa.

Sey ni Mau Angeles sa Twitter, “James and Nadine are together at Poblacion and they are f*cking sweet.”

Dahil dito may mga naniniwalang gimik lamang ang hiwalayan at hindi totoo ang break-up.

Komento ng ilang netizen,

“Paandar ang hiwalayan kase hello mag cover ba sa Feb. Para tiba2x ang benta plus yung project ni james with nancy.”

“Desperate times call for desperate measures nga di ba? Hahahaha! Ayan happy na yan sila at napag usapan ulit. Happy na din ang mga fan na pinaglaruan.”

“In other words… hindi talaga break. They are doing it for their ailing careers.”

May ilan naman nagsasabi na baka pinapakisamahan na lamang ni James si Nadine dahil nasaktan ito sa breakup. Matatandaan naman sa kanilang Joint statement sa TWBA, sinabi nila na mananatili silang magkaibigan. (Rona Ronda)