Abante Tonite Interactive

Jadine hubo’t hubad sa spa

0 709

tonite-imo-vinia-vivar

Nadulas si James Reid sa pana­yam niya sa “Gandang Gabi Vice” aired last Sunday at hindi sinasadyang nasabi niya na nagli-live in na sila ng girlfriend at ka-love team na si Nadine Lustre.

Ang usapan kasi ay ang three-year-relationship nila at ayon kay James, ito na raw ang pinakamatagal niyang relasyon. Pero parang ang bilis daw na dumaan ang panahon.

“It doesn’t feel like 3 years, parang it’s been so fast,” he said.

Tinanong ng host na si Vice Ganda kung kinikilig pa rin siya at “yes” naman ang sagot ni James.

Komento ni Vice, ang fear daw kasi ng marami, kapag tumatagal na ang relasyon ay marami na ang nababago sa feelings and emotions at ‘yung dating excitement kapag nagkikita madalas ay parang nawawala na.

“Well, we live together,” ang sambit ni James at biglang na-realize ang kanyang pagkakadulas.

“Oh! Did you know that already?” tanong niya kay Vice pati na rin sa audience na marahil, nawala sa isip niya na never pa nila itong inamin sa publiko.
Since nasabi na niya, siyempre ay wala nang bawian kaya kinumpirma na rin niya ulit.
“Okay, well, we live together, so. . .” sey ni James na ikinatuwa naman ni Vice.

“Alam mo, it’s okay,” sey naman ng comedian-host at idinepensang tanggap na nila sina James and Nadine na talagang real, no sugar-coating, sa tanggapin man o hindi ng mga tao.

“Kaya, just feel free and be real,” payo pa ni Vice.

Pagkatapos ay itinuloy na ni James ang gustong sabihin.

Well, yes, we live together and sometimes kasi, araw-araw kayo nagkikita and there’s no space. Sometimes, you get too comfortable.

“But then, there are days na she’s wor­king, super busy, parang ngayon, and when she gets home, it’s like, yeah, we really miss each other still, kahit isang araw lang.”

Kinilig na naman ang mga fan sa sinabi ni James.

Isa pang sob­rang nakakakilig ang rebelas­yon ng singer-actor nang magpa-spa sila noong 3rd anniversary nila last Feb. 11.

Kuwento ni James ay nasa isang bathtub sila ni Nadine. Tinanong ni Vice kung naka-two piece bikini ba si Nadine at sagot ng aktor, “parang hindi.”

Parang na-shock si Vice kaya tinanong niya ulit. “Wala siyang suot?

Kaswal namang sagot ni James, “wala.”

Tanong ulit ni Vice na tila shocked pa rin, “si Nadine?” Sagot ulit ni James, “oo.”

Tanong na naman ni Vice, “ah, wala siyang suot? Ikaw?”

Sagot ni James, “ganu’n din.”

Napasigaw si Vice Ganda na halatang kilig na kilig. Pati ang mga fan ay nagsisigawan na.

Pero nagpaliwanag naman si James na ganu’n naman daw talaga ‘pag nagpapa-massage, dapat nakahubad.

Nag-apologize naman si James kay Nadine sa camera dahil sa kanyang ibinulgar. “Sorry, love,” aniya.

Anne, Vice, Vhong sinisingil ni Teddy

Sa premiere night ng “Papa Pogi” sa March 18, inamin ng bidang Teddy Corpuz na ine-expect niyang magdatingan in full force ang mga kasamahan niya sa “It’s Showtime” tulad nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Amy Perez, Hashtags at pati na rin ang McLisse na sina McCoy de Leon and Elisse Joson.

Ngayon pa nga lang ay may halong pa­nunumbat na si Teddy sa mga kasamahan kung sakaling hindi makakapunta ang mga ito tulad ng McLisse na ginawan pa raw niya ng kanta.

“‘Yung McLisse, gumawa pa ako ng kanta para sa inyo,” panu­numbat niya.

Si Anne daw ay du­malo pa siya sa kasal nito na ginanap pa sa New Zealand kasama ang asawa niya at sariling pamasahe raw nila ito.

“Tapos, eto, kunyari sa Trinoma lang, ilang minuto lang, hindi ka makakapunta? Ano ba naman, Anne Curtis,” sabi ni Teddy.

Economy pa raw ang flight nila patu­ngong New Zealand at napakasikip. Ang laki raw ng nagastos niya at para na siyang nagpa-block screening ng anim na beses.
Kapag hindi pa naman nagpunta ang “It’s Showtime” family niya dahil sa mga sinabi niyang ito, ewan na lang namin.

Showing na ang “Papa Pogi” sa March 20 mula sa direksyon ni Alex Calleja.

Kasama rin ni Teddy rito sina Myrtle Sarrosa at Donna Carriaga.