Abante Tonite Interactive

JaDine nagpakilig sa UAAP opening

By
0 454

Bonggang pasabog ang ikinasa ng National U sa opening ng UAAP Season 81 sa MOA Arena kahapon.

Napagsama-sama ng hosts university ang mga bigating pangalan sa sports at entertainment.

Una siyempre sa listahan si two-time MVP at three-time NBA champion Stephen Curry.

Ang Golden State Warriors superstar ang nanguna sa oath-taking ng student athletes. Mas nauna pa ang ‘ooohs’ at ‘aaahs’ ng mga atleta kaysa pagsunod sa pagbigkas ni Curry ng oath.

Nasa Manila si Curry bilang bahagi ng kanyang Under Armour Asian Tour para i-launch ang bagong Curry 5s, suot niya ang kulay dilaw na sapatos sa venue.

Nagbigay-saya rin si South Korean singer, songwriter at dating 2NE1 member Minzy na pinarinig ang “Ninano” mula sa album na Minzy Work 01: Uno.

Pakilig naman ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre, dahil marami rin palang JaDine fans sa UAAP.