Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JaDine, Zanjoe, Sam magiging Kapuso

0 672

NI: ALWIN IGNACIO

Sigurado na nga ba ang pagiging Kapuso nina Zanjoe Marudo, Sam Milby, Pokwang, James Reid at Nadine Lustre? Iyan ang bulong mula sa isang impeachable source.

Wala namang masama kung sakaling totoo ang bulong na ito. Kung tapos na naman ang contractual obligations ng mga artistang binanggit at alam naman nating lahat ang naging kapalaran ng dating network sa Mother Ignacia, these individuals also need their keep. Kailangan din nila ang trabaho, para sa kanilang kabuhayan at mga binubuhay.

Eh ang mga tulad nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Maja Salvador at Jodi Sta. Maria, saan kaya sila dadalhin ng kani-kanilang mga kapalaran?

Ang young superstar real and reel love teams nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang kanilang next in line, sina Liza Soberano at Enrique Gil, may bagong umagang darating pa ba sa kanilang karera?

Ang mga ladies in waiting na tulad nina Arci Munoz, Barbie Imperial, Loisa Andalio at Maris Racal na nabigyan ng lead roles, saan kaya sila magkakandirit at maglalaro ng Chinese garter at jack stones?

Sa ngayon wala pang linaw kung saan at kung anong network ang magbubukas ng pinto sa mga artistang ating binanggit?

May premium na talaga ang mga artistang ito and worth na sila talaga ay mapanood sa kung saan man ang kanilang magiging bagong tahanan. (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.