Abante Tonite Interactive

Jail guards paldo pagpasok ni Bato sa BuCor

By
24

Karagdagang sweldo at maayos na benepisyo ang solusyon para masugpo nang todo ang paglaganap ng drug trade sa loob ng mga kulungan sa bansa.

Ito ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na tumutukoy sa mga jail guards at iba pang personnel ng Bureau of Corrections.

“Simple lamang ang solusyon para magbalik-loob ang mga jail guards sa pamahalaan.

Abante Hiring – IT dep

Mabigyan sila ng karagdagang sweldo, marahil sa kakapusan pinansyal kaya napipilitan silang pumasok sa iligal na gawain,” pahayag ni Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa, sa pamamagitan nito ay malalayo ang mga jail guard sa tukso ng pakikipagsabwatan o hindi pagpansin sa nagaganap na pagbebenta ng iligal na droga sa loob ng mga kulungan.

“Kaya ipinangangako ko sa aking pag-upo bilang pinuno ng BuCor ay magiging prayoridad ko ang pagtataas ng sahod ng mga jail personnel,” pangako ng chief PNP.

Pero tahasan naman nitong binantaan ang mga nag-o-operate na drug lord sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) na tinitiyak nitong magiging masaklap ang kanilang buhay sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng BuCor.

“Inaamin ko sa ngayon ay wala pa akong kongkretong plano kung paano ko matatanggal nang tuluyan ang drug trade sa loob ng Bilibid pero sinisimulan ko nang mag-isip,” ayon pa sa PNP chief.