Abante Tonite Interactive

Jaime, Mangahas buwena-mano sa 500-point club

154

Panibagong kasaysayan ang ginawa ng dating PBA players na sina Chito Jaime at Allan Mangahas sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Pinoste ng Muntinlupa cagers na sina Jaime at Mangahas ang kanilang 500-point mark sa liga at sila ang mga naging unang dalawang manlalaro na nakatungtong sa 500-point club.

Narehistro ni Jaime ang 500-point mark sa huling 3:42 ng third canto habang sinamahan na rin siya ni Ma­ngahas sa fourth canto ng laro.

Bukod sa personal na tagumpay, tinulungan din nito ang kanilang tropa na mapalupasay ang Pasay Voyagers, 80-67, nitoong Huwebes at nagpapatag sa kapit sa ikalawang pwesto sa South division kaakibat ang 11-5 panalo-talo na baraha. (Fergus Josue, Jr.)