Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jaja giling bago barbell

0 249

Dahil hindi pa rin nakakasabak sa laro si Philippine SuperLiga (PSL) star at Japan 26th V.League 1 Women’s 2019-20 bronze medalist Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago, todo-bonding siya ngayon sa long-time nobya na si Maika Ortiz.

Sa Instagram story ng 24-year-old, 6-foot-4 Caviteña volleybelle, aliw ang magdyowa sa pagsasayaw sa TikTok bago sumabak sa workout.

“Before workout,” caption sa IG story ng nakatakdang bumalik sa Japan para maglaro sa Ageo Medics o manatili sa bansa para mag-Cherry Tiggo Crossovers sa PSL.

Pagkatapos gumiling, sumabak sa matinding buhatan ang dalawa dahil barbell naman ang kanilang inatupag.

Natapos ang ika-25 edisyon ng VL1 nitong Enero bago bumalik ng ‘Pinas nitong Marso ang dating national player na si Jaja dahil sa pandemiya. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.