Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jaja kinupkop ang naligaw na tinedyer

0 279

Minsan pa ipinakita ni Alyja Daphne “Jaja” Santiago ang pagiging likas na matulungin matapos na pilit hanapin ang mga kamag-anakan ng isang nawawalang dalagita sa tahanan niya sa Cavite City.

“Hello po! Baka po may nakakakilala sa kanya. Siya po raw si Ma. Elena Garduque. Siya po ay nakita sa Cavite City at tinurn-over sa DSWD-Cavite City,”post ng Saitama Ageo Medics women’s volleyball team sa V League ng Japan sa kanyang Instagram account na @alyjasantiago03 kahapon.

“Sya po ay mentally challenged with cleft palate. Ang pangalan daw po ng tatay niya ay Lito at ang nanay ay Myla. Kung may nkakakilala po sa kanya paki-message na lang po ang mama ko sa Facebook messenger niya na Alma Love Antonio. Maraming salamat po,” hirit ng 24 na taong-gulang, may taas na 6-4 na dalaga, na kinupkop muna sa bahay nila ang nawawalang tinedyer. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.