Abante Tonite Interactive

Jaja nag-senti

417

Handang harapin ni volleyball star Jaja Santiago ang lahat ng pagsubok na darating pa sa kanyang buhay at sa kanyang career.

Ibinahagi ni Santiago sa Fivb.com ang naging karera nito sa Japan bilang import ng Saitama Ageo Medics sa Japan V.Premier League.

“Ending the season with a podium finish in the Japan V.League was very fulfilling as an athlete. All the hard work and sacrifices that my team Ageo Medics made were worth it in the end,” sabi ni Jaja.

Sa kanyang ikalawang season kasama ang koponan, nasungkit nina Santiago ang bronze medal sa torneo.

“As a Filipina volleyball player, it was really an overwhelming experience. It was an honour to represent my country and at the same time to win a medal in Japan.”

Ikwenento rin ni Santiago sa kanyang unang taon sa Japan ang kanyang mga adjustment, hirap sa training at ang mahiwalay sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Above all, I learned to be a professional athlete by becoming more disciplined, being more focused and prepared for each match. I have learned a lot from this experience, but I will not stop here. Every opportunity is a challenge to conquer and every challenge is a chance to learn something new,” sabi pa ni Santiago. (JAT)