Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jaja tatalon sa baseball

0 335

MULA volleyball, lipat muna sa baseball.

Ganito ang trip ngayon ni dating Foton Tornadoes star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago nang mag-baseball ito sa kanilang kanto.

Buking ito sa Instagram story ng dyowang si Maika Ortiz kung saan nakisaling-pusa ang 24-anyos na balibolistang si Santiago sa kaibigan nilang nagbi-baseball sa kanto ng kanilang bakuran.

“Baseball salingkitkit,” caption nito sa nasabing Instagram story.

Ubos oras muna ang 6-foot-5 volleybelle sa kanyang laro sa Japan dahil pinauwi muna sila ng management dulot ng pandemic outbreak. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.