Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalaking Ivana: Jak ‘inisnab’ ang show

0 473

ROMMEL PLACENTE:Maraming mga artista lalo na ‘yung mga sikat ay pinasok na rin ang YouTube. Meron na silang YT channel at kumikita sila,huh!

Siyempre sikat kaya maraming subscriber.Pag kumikita ng malaki, balita namin ay tumatanggi na sila sa trabahong binibigay sa kanila.Isa nga nga raw dito ay si Jak Roberto. May mga offer umano sa kanya ang GMA 7 pero tinanggihan niya raw ang mga ito.Ayaw na ba niyang magtrabaho since kumikita na siya ng malaki sa pagba-vlog?

Kung totoo man ito, aba, hindi dapat ganoon ang aktor. Kung hindi naman sa Kapuso network, ay hindi siya makikilala Malaking factor ito kaya dumami ang nanonood sa kanya.

Iba pa rin ‘yung regular siyang napapanood sa telebisyon,di ba?

Balita nga namin ay talagang nagbago na si Jack. How true yumabang na nga raw ito at lumaki na ang ulo?

RODEL FERNANDO: Hindi rin masisi ang ilang celebrities kung nakapokus sila sa kanilang vlog. Sabi nga ay malaki ang kinikita nila lalo pa kung marami silang subscribers at views. Bukod nga kay Alex Gonzaga, itong si Ivana Alawi ay malaki na rin ang kanyang kinikita sa kanyang Youtube channel. Pero alalahanin niya na ABS-CBN pa rin ang gumawa sa kanya.

Ito namang si Jak Roberto na sabi ay malaki na rin ang kinikita bilang vlogger ay sentro ngayon ng usapan. Kesyo ayaw na raw niyang tumanggap ng trabaho sa GMA 7. Dahil sa kinikita sa Youtube ay deadma na raw sa mga offer sa kanya ng kaniyang mother studio. Naging kampante na raw sa suweldong natatanggap sa pagba-vlog niya.

Teka lang, hindi kaya nagpapataas ng tf itong si Jak? Kasi naman may nabalitaan kami na hanggang ngayon yata ay mababa raw ang tf na natatanggap niya sa Kapuso. How true na 20 thousand pa rin daw tf niya per taping day kahit nagbibida na siya? Maliit nga ito kung tutuusin kaya hindi rin siya masisi kung magpokus muna siya sa pagiging Youtuber.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero ito lang ha, sana huwag magbago si Jak kahit kumikita na siya ng malaki. Alalahanin niya ang Kapuso na nagbigay ng break sa kanya. Huwag rin sana magbago ang mga taong nasa likod ng aktor.

‘Yun lang.

MILDRED A. BACUD:Hindi ako magtataka kung bakit nagrereklamo na rin ang ibang mga non-showbiz vloggers sa pagpasok ng mga artistang nagba-vlog. Wala raw silang kalaban laban sa mga ito dahil may mga instant following agad.

Nakakalula ang kinikita ng mga stars sa Youtube. Kaya di mo ma-blame kung ayaw na nila magwork at naging choosy sa projects.

Sa pagba-vlog nga naman may freedom sila sa gusto nilang content at sila ang bida.Pero tama kayo ka-Cuatros, bakit nga ba marami ang subscribers nila, its because mga artista sila at napapanood sila sa tv.

Ivana has 10.4 million subscribers ha at kabog ang mas sikat pang mga artista while Jak Roberto has 2.5 million subs naman na mataas na rin. Balita nga namin na wala pa sa katiting ang kinikita niya sa pag-aartista kumpara sa YT niya .Dahil dtto, binibigyan niya talaga ito ng panahon kasehodang mang-isnab na raw ng offer.

ROLDAN CASTRO: Lalaking Ivana Alawi na ba si Jak? Balitang tumanggi rin si Ivana ng show gaya ng seryeng ‘Ang Lihim ni Ligaya’ na ginawang ‘La Vida Lena’. Malakas din ang kinikita niya bilang vlogger kaya keri lang na isnabin ang mga offer na show ng Dos. Ganyan na rin ba ang attitude ni Jak? Naku, mabuti pang tumigil na ang aktor sa pag-aartista.Ang tagal na siya sa showbiz wala pa ring improvement.Hindi pa rin magaling umarte.

May napanood nga ako sa kanya sa ‘Magpakailanman’ nilalamon siya ng baguhang artista. Hindi naman puwedeng forever abs na lang niya ang ipakita,no?!Hindi rin puwedeng ma-pr lang. Hindi rin puwedeng boyfriend lang siya ni Barbie Forteza. Kung true na todo tanggi siya sa project,’wag habulin. Maraming baguhan diyan na mahuhusay na puwedeng i-build up ng GMA. ‘Yun lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.