Abante Tonite Interactive

Jak nag-emote sa lampungan nina Sanya, Pancho

568

Tama ang hinala ni Sanya Lopez na ang kapatid niyang si Jak Roberto ang unang-unang magre-react sa mga love scene niya sa “Dahil sa Pag-ibig” ng GMA-7.

Napanood na nga ng aktor ang love scene ni Sanya with Pancho Magno at ipinost pa niya sa Instagram Story ang video niya habang nanoood siya ng serye sa kanyang sasakyan.

Sa simula ng video ay makikitang nag-uumpisa pa lang ang serye at nagpapakita ng warning classification na SPG (Strong Parental Guidance or Striktong Patnubay at Gabay).

Sigaw ni Jak, “Bakit kaya SPG?”

Sa eksenang nagsusuot ng red lingerie si Sanya, caption ni Jak, “Hmmmp” at nilagyan ng thinking emoji. Ipinakita rin ng aktor ang kanyang reaksyon na nanlalaki ang kanyang mata na parang galit.

Nang dumating na ang eksena sa bed scene ni Sanya at Pancho Magno, naglagay na ng tatlong “angry face” emoji si Jak.

Pagkatapos ng bed scenes, sigaw ni Jak, “nasaan na ang pamalo ko?”
Ang nasabing phrase ay private joke ng magkapatid na ginagamit ni Jak sa tuwing may napapanood siya or may nakikitang sexy scene si Sanya.

Bago pa man magsimula ang “Dahil sa Pag-ibig” ay sinabi na ng Kapuso actress sa isang panayam na ang kuya niya ang unang-unang magre-react kapag napalabas na ang love scene pero maiintindihan naman daw niya if ever dahil ganu’n naman daw talaga ang magkakapatid.
***

Dingdong, Jennylyn sasabak sa ‘Starstruck’

Opisyal nang inanunsyo ng GMA-7 ang magiging hosts at council ng upcoming Season 7 ng original reality-based artista search.

Pangungunahan pa rin ng original host at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang pagho-host sa “Starstruck.” Makakasama niya ang award-winning actress at Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na kauna-unahang Ultimate Female Survivor ng programa.

Maraming netizen naman ang nagpakita ng suporta at excitement para sa mga pinangalanang council members na kinabibilangan nina Kapuso Sweetheart and Queen of Crea-tive Collaborations Heart Evangelista, EB Dabarkads Jose Manalo at batikang aktres at kontrabida na si Cherie Gil.

Sey nga ng isang Facebook user na si Ahndy Tabon Adolfo, “I love the council this season plus the hosts! Great choices!”

Tutukan ang matitinding challenges na pagdadaanan ng new “Starstruck” hopefuls, ngayong Hunyo na.