Abante Tonite Interactive

Jak seryoso sa quarantine

865

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi man makalabas ng tahanan dahil sa ipinatupad na community quarantine, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapanatili ng healthy lifestyle ni Jak Roberto . Game na game pa rin siya sa pagwo-work out.

Ayon sa kanyang Instagram post, best cure raw ang pagiging fit and healthy bilang panlaban sa coronavirus disease. Talaga namang sineseryoso ang pagka-quarantine at pag-iingat sa panahon ngayon ng krisis.

Sa katunayan, kamakailan ay nag-post si Jak ng nakakakilig na video nila ng nobya na si Barbie Forteza .Kahit nga raw may lumalaganap na virus ay hindi mapipigilan ang sweetness ng Kapuso couple.

Nu’ng Sabado ay nagpatakam din si Jak sa episode ng “Sarap Di Ba?” Nakakaaliw, nagbabaga, at umuusok ang eksena niya kasama sina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi.