Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jak umaming ayaw dyowain si Barbie

0 365

NI: VINIA VIVAR

Nagbalik-tanaw ang showbiz couple na sina Barbie Forteza and Jak Roberto sa panahong bago nagliligawan sila hanggang sa earlier stage ng kanilang relasyon.

Kwento ni Barbie sa mukbang vlog nila ni Jak, aksidente raw ang first official date nila ni Jak. Dapat daw sana kasi ay group date iyon at kasama ang kanilang mga friends.

Pero nag-cancel daw lahat ang mga kasama nila kaya napilitan silang ituloy ang lakad nang sila lang dalawa.

Pero prior to that ay lumabas na rin daw sila with a group of friends.

“‘Nung unang labas namin na ‘yung first date namin, doon lang ako na-fall sa kaniya.

“Pero ‘yung prior to that, ‘yung mga taping namin, ‘nung lumabas kami with a group one time, wala pa ‘yon tropang-tropa lang. ‘Yung first date lang namin.

“Kasi doon ko siya kumbaga walang kahati sa atensyon ko. ‘Yung atensyon ko talaga nasa kaniya lang.

“So nakita ko talaga kung anong klase siyang lalaki na kalog, pilyo, ganyan, pero gentleman, very maalaga, maalalahanin. Tsaka lang ako na-fall,” pagre-recall ni Barbie.

Si Jack naman, noon pa ay nasabi na niya na naging crush niya si Barbie nang una pa man silang magkatrabaho. Pero ayaw daw niyang ligawan noon ang young actress dahil ayaw niyang masira ang kanilang friendship.

‘Nung ano pa lang, after ‘nung Maynila, nagka-crush na ‘ko sa ‘yo. Nagustuhan kita ‘nung nagkakatrabaho na tayo sa Sunday All Stars tapos sa Half Sisters.

“Sa mga guesting nagkikita na tayo pero ‘pag nakikita kita ‘Uy si Barbie. Pero hindi like parang jojowain, parang suntok sa buwan para sa ‘kin. Pag nakikita lang kita, gusto na lang i-retain ‘yung pagiging friends. Pero alam mo ‘yon, kung may chance, talagang iga-grab ko ‘yon,” sey ni Jak.

Balik-tanaw naman ni Barbie, “to be honest, nun’g nagra-ramen tayo nun’g kumakain tayo ng lunch, tropa ‘yon. Nun’g nanood tayo ng unang sine, tropa ‘yon.”
Sa pangalawang sine, tropa pa rin daw sila.

“Pero ‘nung nagkape tayo, ‘di ba pinayagan tayo na mag-stay doon sa parang hindi doon sa madaming tao so nagkaroon kami ng moment alone na kami lang. Although may tao pa rin sa paligid, pero mas nakahiwalay.

“Nagkakape kami tapos doon talaga kami nakapag-usap. Doon ko na-realize na very ano siya, very Pinoy, very old-school. Talagang Promdi.

“Tapos nagkaroon din kami ng quiet moment na na-realize ko na ‘yun ‘yung date ko na nagkaroon ako ng quiet moment with a guy na hindi ako na-awkward. Pwede kaming magdaldalan together tapos pwede rin kaming maging tahimik together na walang awkwardness, hindi weird.

“Siguro naubusan kami ng pag-uusapan pero para sa ‘kin, hindi ako na-rattle na ‘Luh ang tahimik, ano bang pwedeng i-open na topic? Pa’no ba para ma-entertain siya.’

“Kaya ‘nung pinost ko na ‘yung kamay mo na nakahawak doon sa isang kape, ‘yon meron na. Pero hindi like todo, mayroon ng chances of winning,” ani Barbie.

Sa pangatlong panonood nila ng movie, inamin ni Barbie na medyo nage-expect na siya ng ganap noon like holding hands at doon nga raw lalo niyang nagustuhan ang aktor dahil napaka-gentleman nito at hindi nag-take advantage.

Leave A Reply

Your email address will not be published.