Abante Tonite Interactive

Jake at Inah, todo bonding sa dance craze

116

PARAMI nang parami ang celebrities na umaariba sa challenges na nauuso sa internet.

Kaya naman ang cast ng GMA afternoon show na Oh, My Mama!, all out sa bonding dahil sumali sila sa trending dance craze na Fetty Wap Challenge.

Sa Instagram account ni Inah de Belen, mapapanood ang paghataw nila nina Jake Vargas, Vince Gamad at ilang production staff.

Agad itong pinuri ng netizens.

***

Ariel Rivera, balik-Kapuso!

Opo! Matapos lumabas sa Kapamilya teleserye na Born For You, mapapanood muli sa GMA 7 si Ariel.

Ang asawa niyang si Gelli de Belen, naiwan sa Dos sa teleseryeng Magpahanggang Wakas.

***

Sa Martes nang gabi ang ika-11 at huling weekly elimination round ng Mr. & Ms. Fantasy Bodies 2016 sa Viaje Kada comedy bar sa Kamias Road, Quezon City.

Casting ito ni Bembem Kho.

***

For all ages ang bagong Kapuso show na Usapang Real Love dahil sa video challenges na pino-post sa kanilang Facebook page.

Kung noon eh ­millennials ang pinag-submit nila ng entries, ngayon ay mga magulang naman ang hinamon ng first-­ever interactive rom-com show.

Humihingi sila ng ­video entries ng mga hard-working dads at love advice mula sa mommies.
Interesting ang challenge na ito, huh?!

Mag-submit through Facebook, o i-upload ito sa Instagram o i-tweet sa Twitter and at i-tag ang @Usapang­RealLove with the hashtag #MagpaFANsin.

Tumutok sa URL e­very Sunday at baka ito na ang chance mong mapanood sa TV.

***

Bukod sa challenging stunts sa Encantadia, walang inuuru­ngan ang trio nina Rocco Nacino, Ruru Madrid at Buboy Villar.

Just recently, kahit nasa set ng Kapuso telefantasya ay pinaunlakan ng tatlong Kapuso actors ang hamon na Jump Shot challenge.

Tuwang-tuwa syempre ang kanilang fans!