Abante Tonite Interactive

Jake Cuenca, napaaway sa Star Magic Ball?!

137

Ayon sa ilang source naming dumalo sa naturang event, hindi pa rin nawala ang mga gulo na mabuti lang, naayos agad.

Ewan kung lalabas pa ito at mapag-usapan.

May nakaaway daw kasi roon si Jake Cuenca na hindi lang alam ng aming source kung sino.
May nakita lang daw na nagwawala na ang aktor at i­naawat ito ni Gerald A­nderson.

***

Walang ka-date si Jodi Sta.Maria na rumampa sa Star Magic Ball.

Suot nito ang black gown na gawa ni Mark Bumgarner, at ipinost pa ni Jolo na gandang-ganda sa aktres, at nagpasala­mat naman si Jodi.

Natanong si Jodi doon sa red carpet na nag-comment din si Iwa Moto.
Sabi naman ni Jodi, friends daw sila ni Iwa.

“Natutuwa naman ako na we’re okay,” matipid na sagot ng Kapamilya actress.

***

BONGGA at tinutukan namin sa social media ang 10th Star Magic Ball ng ABS-CBN 2 kamakala­wa sa Makati Shangri-La.

Base sa mga nai-post na stars na rumampa sa red carpet, si Liza Soberano ang stand-out sa lahat.

May napili pa ring worst dressed ang ilang bloggers pero sa totoo lang, wala ‘yung kalait-lait o kasumpa-sum­pang suot ang stars.

Okay pa rin at puwede nang palagpasin.

***

May isang eksena pa raw roon na isang sikat na aktor na umakyat ng stage dahil may kinuhang award.

Lasing na raw kasi ito, kaya kung anu-anong pinagsasabi nito. Kuwento ng aming source, sabi raw nitong aktor nang tinanggap ang award, “I don’t want a plaque. I want to fuck!”

Mark Anthony, napaiyak kay Grae

Hindi nakaiwas si Grae Fernandez na matanong tungkol sa kanyang amang si Mark A­nthony Fernandez.

Ngayong araw na kasi ang arraignment kay Mark.

Naikuwento ni Grae na nadalaw na niya ang kanyang ama. Hindi raw napigilan ni Mark na maiyak.

Ayaw lang masyadong magsagot ni Grae kapag tungkol sa kanyang ama ang tinatanong dahil nalulungkot daw siya.

Basta, nilinaw lang niya kung gaano kabait na ama si Mark kaya siya nag-post sa kanyang I­nstagram.

“Parang hindi naman kasi nila nakita ang kabaitan ng Tatay ko. Hindi naman nila nakita sa perso­nal life, nakita nila sa bali­ta lang.

“Pinost ko ‘yun para makita nila kung gaano siya kabait na tao,” pahayag ni Grae.