Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jake ‘di nasaway ang anak

0 258

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin si Jake Ejercito sa isang talk show sa TV 5.

Natanong sa kanya ang tungkol sa relasyon nila ni Ellie, ang anak niya sa estranged partner na si Andi Eigenmann.
Sey pa niya, mas nakilala raw niya ang kanyang 8-year old daughter nang mag-stay ito sa kanya sa loob ng tatlong buwan sa panahon ng community quarantine.

Hirit pa niya, nakikini-kinita raw din niya ang ugali niya sa kanyang anak noong lumalaki siya.

Tulad ng anak, medyo stubborn din daw siya.

Bilang mag-ama, may mga bagay daw na sa murang edad nito ay pinagtatalunan na nila.

Isa na raw dito ang pagkahumaling nito sa Tiktok, ang latest craze in town.

Katunayan, pinagbawalan nga raw niya itong mag-Tiktok dahil natatakot siya sa puwede nitong matutunan sa social media lalo na’t walang proper guidance.

Gayunpaman, itinuturing daw niyang isang ‘challenge’ ang pagiging tatay kay Ellie.

“Na-face ko ang challenges of being a father. Siyempre, at her age — she’s turning nine this year. So, parang at her age, syempre iyong mga bata na ganoon naghahanap ng new activities every day,” aniya.

“Pinagbawalan ko siya before na mag-TikTok kasi syempre, being a father and having a daughter, ang dami kasi makikita sa TikTok, diba? Syempre you have to be vigilant, and you want her to be discerning sa mga makikita niya doon. Pero hindi niya ako sinunod. Akala ko dinelete na niya. After a while, nakikita ko nagpo-post pa pala siya,” dugtong niya.

Pero ngayon daw, pinapayagan na niya si Ellie na gumamit ng nasabing video-sharing app.

Ginagabayan na lang daw niya ito bilang magulang at pinagsasabihan na dapat maging maingat at matalino sa lahat ng kanyang nasasagap sa social media.

Meanwhile, ilang netizens naman ang nang-iintriga tungkol sa showbiz career ni Jake sa Star Magic.

Hirit nila, tila nabantilawan na raw ang karera nito ng panahon.

Dapat daw ay noon pa ito nag-decide pumasok sa showbiz noong nagiging kontrobersyal pa lang siya sa showbiz.

May ibang kate-katera na nagsasabing na-jinx ang karera nang magpa-manage ito sa Star Magic na hanggang ngayon ay tila wala pang proyektong nasisimulan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.